(25)

3.5K 43 1
                                    

(25)

 

 

[Nikka's POV]

Nasa room na namin ako ngayon. Nakahiga sa kama ko at nakatulala sa ceiling. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Pagkatapos namin kumain umuwi na rin naman kami agad. Ayaw pa nga sana niya umalis kaso pinilit ko lang siya dahil maaga pa sila bukas para sa concert. Hinatid niya muna ko dito sa apartment tsaka siya pumunta sa FNC dahil dun sila pinapatuloy at nandun na rin naman yung ibang members.

Napaupo naman ako ng maalala ko si Ynnah. Anong oras na ha tapos wala pa siya. Tumayo na ko at pupunta na sana sa CR ng biglang bumukas ang pinto.

"Hoy bruha! San ka galing?"

Hindi niya ko pinansin. Dirediretso lang siya sa kama niya at umupo. Parang lantang gulay siya at nalugi. Umupo na lang ako sa tabi niya. Ishashare ko pa naman sana yung tungkol samin ni Yong Hwa Baby kaso parang ang panget naman kung ang saya saya ng kwento ko tapos siya ang lungkot ng mukha. >.<

"Problema?" Binigyan niya ko ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot.

"Alam ko na yung pakiramdam mo ng makita mong hinalikan ni Se---"

"Huh? What do you mean? Si Yo---"

"No. I just saw them hugging each other pero iba pa rin eh. Nakita ko sila kanina ng sundan ko siya. Nagkita pa sila nun at pinuntahan pa niya. Bakit ganun?"

"Ano ka ba. May rason yon panigurado, alamin mo muna bago ka magdrama. Yan ang natutunan ko nang mga nakaraang araw."

"Haaaay. Ewan ko."

"Saan ka ba galing? Gabi na, so nakmukmok ka ng makita mo sila kanina?"

"Ganun na nga. Hindi mo nga ako nagawang tawagan at hanapin man lang eh. Tsaka yan din suot mo kanina diba? So ikaw saan ka galing?"

"Aahh... Eehh..."

"Tae! Nagblublush ka! May nangyari ba? Anoooo?"

She started smiling at niyugyog pa ko ng niyugyog. Parang siya pa yung kinikilig. Sasabihin ko ba kahit malungkot siya? Siguro nga dahil magagalit 'to kapag hindi ko siya sinabihan.

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon