If this love only exists in my dreams, don't wake me up.
______________________
(62)
Part II
[Nikka's POV]
Bigla na lang nagpalakpakan ang mga tao at dun lang kami natigil. May mga audience nga pala. SHIT. Natawa si Yong Hwa Baby at hinawakan ako sa mukha. He smiled and wiped my tears away. Huminga ako ng malalim at humarap sa mga tao na nakatayo pa rin at nakatingin sa’min. Nasa bewang ko pa rin ang braso ni Yong Hwa Baby at nakaharap na rin siya sa mga tao. Sumenyas ako kay Ynnah kaya’t madali niyang hinila sina Jong Hyun, Min Hyuk at Jung Shin. Tumabi silang apat sa’min.
“Alam niyo naman pong lahat ang tungkol sa CNBLUE. Naikwento ko na po sila sa inyo kanina at yung mga hindi naniwala sa’kin kanina, siguro naman sapat nang makita niyo sila para maniwala kayo. Sorry about my speech pero kailangan ko kasing magkorean kanina dahil message ko kay Yong Hwa yon. Yeah, it’s his birthday. Thank you for cooperating. Lahat kayong nandito ngayon ay pinagkakatiwalaan ko po kaya masaya akong ipakilala sila sa inyo ng harapan. They’re part of our life now and Yong Hwa is my life while Jong Hyun is Ynnah’s life.”
Ngumiti ako at humarap naman sa CNBLUE upang hayaan silang ipakilala naman ang sarili nila.
“Magandang gabi po. Ako si Lee Jung Shin.”
“Annyeong! Ako si Kang Min Hyuk.”
“Annyeonghaseyo! Ako naman si Lee Jong Hyun.”
“Hello everyone! Ako si Jung Yong Hwa. I want to say now, maraming salamat po. Maraming salamat. Mahal ko kayo. Thank you! I’m--- happy... Happy to meet you. Nikka’s--- family. Maraming salamat! Thank you! Thank you!”
Napangiti kami ni Ynnah pagkatapos nilang bumati at nagpalakpakan naman ang mga tao. Ang mga college friends kong babae na sina Deng ay naghiyawan naman. If I know atat na atat na yang makausap si Min Hyuk dahil kumikinang na ang mga mata niya pagkakita dito kanina pa lamang.
Nag-upuan na ang mga tao at nagsimula na rin silang kumain. Pinaupo ko na rin na muna ang CNBLUE sa sentro at unahan na lamesa. Katabi nito ang lamesa nina Mama, Papa, Ate, yung ewan na boyfriend ni Ate na si Kuya Jet, si Tita Liezle at Gab. Nag-umpisa na rin silang kumain habang nagkekwentuhan. Hindi ko alam kung pano sila nagkakaintindihan. -___-
Habang busy sila ay hinila ko na naman si Ynnah sa gilid.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...