(47)
[Nikka’s POV]
“(Huy! Ano titignan mo na lang sila?)” Sabay tulak ng mahina sa’kin ni Choi.
“(Naman eh! Kailangan tinutulak?)” Then I glared at her.
“(Baka kasi di ka na gumalaw diyan. Hahahaha! Gwapo nila noh? Nakakastarstruck talaga! Naku kung hindi pa ko sanay sa presensiya nila baka nahimatay na ko.)”
“(Nagulat lang ako, bakit nandito yang dalawang banda na yan?)”
“(Bakit? Minsan naman talaga napunta sila dito eh. Nako! Ako na lang pupunta sa kanila para kunin mga order nila ah.)”
Umalis na si Choi at pinuntahan sila. Tss. Mabuti naman nagvolunteer na siya dahil wala akong balak lumapit sa kanila. Kasi naman eh, ang awkward. Makakasama ko pareho si Yong Hwa Baby at Jong Hoon? >.< Pero makalipas lang ang ilang segundo ay lumitaw na sa harap ko si Choi na nakabusangot.
“(Oh? Nangyari? What’s with the face? Nakuha mo na mga or---)”
“(Hindi. Tsk! Demanding naman ng mga yon. Chix mo kasi eh!)”
“(Huh? Bakit ba?)” Curious kong tanong.
“(Ikaw daw gusto nilang kumuha ng mga order nila eh.)” Sabay abot niya ng maliit na notebook at ballpen.
“(Hahahaha! Ganda ko kasi eh. Sige, ikaw muna dito.)”
Kainis naman ‘tong mga ‘to eh! Pero magagawa ko? Kailangan kong kunin mga order nila. -___- Mabagal akong naglalakad papunta sa kanila. Nakikita ko na sila malayo palang. Nasa isang mahabang table silang lahat, ang CNBLUE with Ynnah at ang FT Island. Pero paikot ang upo nila. Napahinto naman ako ng makita kong magkatabi sina Yong Hwa at Jong Hoon. Pero umiling na lang ako at naglakad na ulit. So what kung magkatabi sila? Di naman ako uupo at makikipagchikahan sa kanila. Kukunin ko lang mga order nila, diba? Ganito bali ang ayos ng upo nila, sa isang dulo ay magkatabi sina Min Hwan at Seung Hyun, sa tapat na dulo naman nila ay sina Ynnah at Jong Hyun. Sa isang side ng table naman ay sina Hong Ki, Jae Jin, Jung Shin at Min Hyuk. Sa kabilang side naman ay sina Jong Hoon at Yong Hwa lang. Tss. Hindi even, and luwag sa side nung mga leaders.
(A/N: Table sketch on the side para mas madali niyong maimagine. Nasa FB profile ko rin or just click the external link. :D) ---->
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...