(30)
[Ynnah’s POV]
“Gusto ko… Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas.”
“T-teka lang, Ynnah. Tatawagin ko lang yung doctor okay? Nabibigla ka eh.”
Naramdaman ko na siyang lumabas. Hindi ko alam pero naisip ko na rin naman yan bago pa mauwi ang lahat sa ganito eh. Nang tanungin niya ko kung anong gusto ko, yon ang naisagot ko.
Yun na ang desisyon ko. Uuwi na ko sa Pilipinas. Wala na pala kong hihintayin dito eh. Friends na naman kami ng CNBLUE, okay na yon. Wala ng iba pang mangyayari dito.
Nagbukas na yung pinto at nilapitan ako ng doctor at nurse. Chineck nila kung okay ako, okay naman daw kailangan lang ng matinding pahinga at lumabas na sila. Pinakain naman ako ni Nikka after nun. She’s silent and she’s not mentioning the topic I told her. Nang matapos na kong kumain, niligpit na rin yon ni Nikka.
“Nikka…”
“Hmm?”
“Yung sinabi ko---“
“Ynnah, nabigla ka lang.”
“No, I mean it.”
“W-what do you mean?”
“I want to go back to the Philippines.”
“Ynnah naman…”
“Paglabas ko dito aayusin ko na ang pag-uwi ko. Kaibigan ko na ang CNBLUE, okay na masaya na ko. Wala na naman akong dapat gawin dito eh. Tsaka namimiss ko na rin sina Mama at yung kapatid ko.”
“Iiwan mo ko?”
“Alam ko namang kaya mo dito eh. Nandiyan ang boys, nandiyan si Yong Hwa para sayo. You’re an independent person, Nikka. Kaya kahit wala ako alam kong kaya mo. Pumunta lang naman tayo dito para mameet sila personally diba? Luckily, hindi lang natin sila nameet, naging kaibigan pa. Masaya na ko dahil nagawa natin yon. Ikaw, naging boyfriend mo pa yung pinakaidol mo kaya may dahilan kang magstay dito pero ako, wala eh. Wala naman akong gagawin dito, wala akong hinihintay. I need to continue my life to the place where I should. And you, stay here.”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...