(31)
[Nikka’s POV]
When Ynnah told me about her plan, inaamin kong nalungkot ako at di ko nagustuhan yon. How can she leave me here, alone? Di pwede yon! Kaya nung mga nakaraang araw nagiging mailap ako sa kanya dahil masama nga ang loob ko.
Pero narealize ko kung desidido na talaga siya, wala na kong magagawa pa. Niyaya ko na lang siyang lumabas para kahit papano eh makasama ko siya dahil di na namin alam kung kelan ulit kami magkikita. Haaay.
Nang nasa mall kami at pumipili siya ng mga bibilhin niya para sa family niya, something came into my mind. Ewan ko, nagkaroon na naman ako ng idea. Hindi na naman siguro mangyayari yung sa una kong plano. I’ll do everything para di umalis si Ynnah, hindi pa naman huli ang lahat eh. Selfish na kung selfish pero hindi naman ‘to para sa’kin eh, para sa kanya ‘to pati na rin kay Jong Hyun. Kung siya sumusuko na, ako hindi pa. Kilala niyo naman na ko diba? Ayoko ng basta bastang sumusuko hanggat alam kong may pag-asa pa.
Si Jong Hyun, alam kong konti na lang. Konti na lang at may marerealize na siya. Konting hila na lang.
“Ingat, bes. Let's see what will happen...” I hugged her at agad nang pinapasok sa taxi.
I don’t know if everything will work now. Pero wala namang mangyayari kung hindi ko susubukan diba? Nagawa ko na ang unang parte ng plano ko, ngayon naman ay ang pangalawa na. Gagana kaya? Sana…
Pumasok na ko ulit sa apartment habang hawak hawak ang mga sulat na pinapaabot ni Ynnah para sa boys. Agad naman akong pumasok sa room ng CNBLUE at naabutan ko silang nagbebreakfast sa sala. Napatingin naman sila sa’kin at nagsmile.
“Baby!” Tumayo si Yong Hwa Baby at niyakap ako.
“(Good *munch* morning, Nikka! *munch* Tara *munch* kain oh.)”
“(Jung Shin talaga! Don't talk when your mouth is full. Hahaha! Good morning, boys!)” Nagsmile naman ako sa kanila.
Hinihila na ko paupo ni Yong Hwa Baby kaso sabi ko wait lang bali nakatayo pa rin ako. Kinakabahan ako eh. Di ko alam kung magwowork ang gagawin ko. Kung may mapaparealize ba ko kay Jong Hyun…
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...