(70) Last Chapter -Part II

2.2K 51 15
                                    

"All good things must come to an end."

_____________________

(70)

Part II

  

[Ynnah’s POV]

  

Sumasakit na ang ulo ko. Hindi na ko magkandaugaga sa mga dapat gawin. Ang daming papel na binigay sa’kin. Kailangan ko gumawa ng articles at blog posts. Pati mga presscon pa na dapat ayusin ay ako ang mag-aasikaso. Hindi ko na alam ang uunahin. Sakit sa ulo!

“Ynnah! Ano tapos mo na ba yung article?”

“Hindi pa.”

“E yung sa blog? Napublish mo na?”

“Hindi pa rin.”

“Yung mga papel na inabot ko sa’yo, nabasa mo na ba?”

“Hindi pa, ang kapal kaya nun.”

“How about the presscon? Nakapag-organize ka na ba?”

“Not yet.”

“YNNAH DOMINIQUE!!!” Ang lakas ng sigaw niya. Napaupo ako ng maayos habang nakatingin siya ng diretso sa’kin. “Ano ba naman? Wala ka pang natatapos kahit isa?! Ano bang mga pinaggagagawa mo?!!”

“Naman kasi! Bakit lahat sa’kin mo inutos?!” Ganting sigaw ko. Masakit na nga ang ulo ko, sisigawan pa ko.

“Hindi ko yan inutos sa’yo, yan ang trabaho mo! At bakit wala ka pang natatapos?! Anong petsa na, Ynnah!!”

“Bakit ba ng laki ng problema mo? Halos pinagsasabay sabay ko na nga para matapos na lahat. Hindi ‘to madali, ikaw kaya gumawa nito?!”

“Bakit mo kasi pinagsasabay sabay? Utak, Ynnah! Unahin mo kung anong dapat unahin! Katulad nung sa blog, dapat maipublish mo na yan ngayong araw! Yung article, bukas. At sa presscon dapat---“

“Fine fine! Stop shouting! Sumasakit na ang ulo ko! Oo na! Tatapusin ko na ‘to kaya manahimik ka na please?”

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon