(62) Part I

1.9K 34 6
                                    

The fandom's attitude reflects on the Idols image.

______________________

(62)

Part I

[Ynnah’s POV]

“Okay. So tatawagan na lang ako nung driver?”

[“Oo. Binigay ko number mo sa kanya. He’ll call you kapag nasa harap na siya ng company mo.”]

“Sa wakas naman at naisipan mo na kami ipasundo. Anong oras na o. Sige, mag-aayos na kami.”

[“O-okay. See you. Haaayy. Bye!”]

“Hoy, Nikka. Umayos ka. Everything will be fine. Relax ka lang diyan. I’ll call you kapag nakaalis na kami dito tsaka kapag malapit na kami. Bye!”

Binaba ko na ang phone ko at tumingin sa CNBLUE. Naglalaro ng Xbox sina Jong Hyun My Loves, Min Hyuk at Jung Shin habang si Yong Hwa ay walang ganang nakahilata lang sa sofa. Wala sa mood yan kanina pa, galit kay Nikka dahil sa pag-alis nito. Ay nako, Yong Hwa! Kung alam mo lang kung anong ginagawa ng girlfriend mo. 

“(Boys, tama na yan. Magbihis na kayo, aalis na tayo.)” Naglakad na ko palapit sa dala naming bag habang kunot noo silang tumingin sa’kin.

“(Saan naman tayo pupunta? Wala pa nga si Nikka e.)” Naunang magtanong si Min Hyuk at halatang gusto pa niyang maglaro.

“(Dito na lang tayo. Antayin na muna natin si Nikka. O, game na ulit.)” Binaling na ulit nila ang atensyon nila sa nilalaro nila. I sighed.

“(Gusto niyo maiwan dito? Tss. Kaya nga aalis tayo, pupuntahan na natin si Nikka.)”

Ang kanina pang tahimik na si Yong Hwa ay napatingin sa’kin at umupo na mula sa pagkakahiga. Kunot noo siyang nakatingin sa’kin. Pati yung tatlo ay nakuha kong muli ang atensyon.

“(Where is she?)” Seryosong tanong ni Yong Hwa.

“(I don’t know either.)” I shrugged kahit alam ko naman. “(May susundo na lang daw sa’tin. Ewan ko, baka nasa bahay na yun. O dali magbihis na kayo.)”

“(Bakit kailangan pa naming magbihis? Uuwi lang naman tayo diba? May iba pa ba tayong pupuntahan?)” I bite my lip. Ang tanong naman nitong ni Jung Shin. Isip ng palusot, Ynnah! Isip!

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon