A/N: May mga nagtataka siguro sa inyo kung bakit biglang 'Last Chapter' na at 70 na agad. May chapter 68 at 69 na rin po, nakaprivate lang. Everyone can read it, you just need to follow me then refresh your wattpad app. It's the maknaes' POV. And yeah, sinabi ko na rin naman dati na matatapos na talaga ang story na 'to. This is the last chapter. :)
"Love is not a feeling of happiness. Love is a willingness to sacrifice."
__________________________________
(70) Last Chapter
Part I
[Nikka’s POV]
Everything happened so fast. Parang kelan lang nag-aasikaso ako ng para sa world tour nila, at ngayon konti na lang ay matatapos na. Pero alam kong may mga bansa pang gusto rin pumunta ang CNBLUE doon. Si Ynnah na nga muna ang pinapaasikaso ko tungkol sa world tour dahil patapos na rin naman. Kailangan ko ng paghandaan ang sunod nilang gagawin pagkatapos.
“(What are you doing, Baby?)” Sabay yakap sa’kin mula sa likod. He rested his chin on my shoulder.
“(Random things, Baby.)” Itinupi ko muna ang laptop. Buti ay nasarado ko kanina yung tab nang yakapin niya ko. Tumayo na muna ko at humarap sa kanya. “(Yong Hwa Baby, bili tayo ng chocolate.)” At ngumiti ako ng sobrang tamis.
“(Chocolate? Puro ka na chocolate, minsan cake o di kaya ice cream. Kain ka naman ng kain, Baby. Okay lang sana kung hindi puro sweets e. No chocolate for today. Okay?)” Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko.
“(E! Nagcracrave ako sa chocolate. Pretty please?)” Sinubukan ko ng magpout para magpacute baka sakaling tumalab.
“(Stop pouting, di mo ko makukuha diyan. Ilang linggo ka nang puro sweets. Tara na sa practice room.)”
Nauna na siyang lumabas at napaupo na lamang ako sa kama. Seryoso yon, mukhang nainis na nga dahil iniwan ako. Puro ba ko sweets? Kain ba ko ng kain? Ang sarap kasing kumain e tapos para pa kong laging gutom. Kung anu-anong pagkain ang hinahanap ko. Gusto kong magwala kapag di ko nakakain ang gusto ko.
“Nikka?” Napatingin ako sa pintuan ng may mahinhin na bumanggit ng pangalan ko. Hindi pala masyadong naisara ni Yong Hwa Baby yung pinto.
“(Eun Sung? Come in.)” Napanganga siya pagpasok niya. Nasa kwarto kasi ako ni Yong Hwa Baby at siyempre first time niya makapasok sa mismong kwarto ng Baby ko.
“(Ang dami naman niyang stuff toys.)”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...