"Any fan can give up, it's the easiest thing in the world to do. But to hold it together when everything is falling apart, that's a true fangirl."
______________________
(50)
Part II
[Ynnah’s POV]
Hinila na ko ni Jong Hyun My Loves. Sa dami ng pinto dito hindi ko alam kung saan kami papasok. Namalayan ko na lang na nakapasok na pala kami sa isang kwarto. Sapat lang para sa dalawang tao ang laki. May dalawang kama.
Binitawan na ni My Loves ang kamay ko at umupo sa isang kama. Tinignan ko naman siya at nagcross arms.
“Yaaah! Jong Hyun My Loves!!” Sigaw ko. Tinignan naman niya ko at ngumiti.
“Wae?” Nakangiti niyang tanong.
“(What’s this? Sleeping together? Hey! This is not part of OUR plan!)”
Aba aba! Oo na. Aminado naman ako na kinikilig ako pero di pa rin magandang tignan na ang babae at lalaki ay magkasamang matulog sa iisang kwarto kahit magboyfriend pa sila.
“(I know. But this is MY plan. Para makapagsolo din yung dalawa. Ako ba ayaw mo masolo?)” Then he smirk.
Binelatan ko lang siya at umupo sa kabilang kama. Magkatapatan ang upo namin. I sighed.
“(Sa tingin mo gagana ‘tong plano natin? Magkakaayos na kaya talaga sila?)” I asked him seriously.
“(Actually, kahit hindi na natin ‘to tinuloy magkakaayos na talaga sila. Dahil yung plano pa lang natin kagabi, gumana na.)” Napakunot naman ang noo ko. Tumayo ako at tumabi sa kanya.
“(What do you mean?)”
“(It worked because of Jong Hoon. Nalaman na niya yung relasyon nina Hyung at Nikka at sa tingin ko mas may malalim pa siyang nalaman. Pagdating namin sa FNC kaninang umaga, he talked to Hyung. Ewan ko kung anong pinag-usapan nila pero alam kong magiging maayos na yung dalawa.)”
“(Naku! Buti naman kung ganun. Edi sana pala tinawagan mo ko kanina tapos hindi na natin ‘to tinuloy. Baka maging komplikado pa eh. Kanina kaya kabang-kaba ako!)”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...