(28)
[Nikka’s POV]
“(Tara na! Puntahan natin sila. Gusto ko mawitness ang pag-iibigan nung dalawa.)”
“(Ako rin! Ako rin! Tignan natin kung doble ang kakornihan nila sa inyong dalawa. Hahahahaha!)”
“(Ano? May sinasabi ka, Jung Shin?)”
“(Wala. Hahahaha! Sa tingin niyo effective yung ginawa niyo? Malalaman rin naman nila yon na kayo may pakana nun eh.)”
“(Ayos lang yon. Para na rin mabigyan sila ng chance makapag-usap o makapag-aminan. Diba? Tara na nga.)”
Tumayo na ko at lumabas na kami sa apartment. Kotse ni Min Hyuk ang ginamit namin dahil ayaw nung dalawang magdrive. Tss. >.<
Pagdating namin sa restaurant na si Yong Hwa Baby naman talaga ang nagpareserve ay si Jong Hyun lang ang nandun. Nakaupo siya, nakayuko at magkadikit ang kamay na nakapatong sa lamesa.
Wala naman kaming balak pumasok talaga dahil sabi namin sisilipin lang namin sila pero iba yung naramdaman ko ng di ko nakita si Ynnah tapos ganun pa itsura ni Jong Hyun kaya napagpasiyahan na naming pumasok.
“Jong Hyun…”
Napaangat siya ng ulo at tinignan ako. Seryoso na malungkot ang mukha niya.
“(Where’s Ynnah? Anong nangyari?)” Seryosong tanong ni Yong Hwa Baby.
“(Your plan didn’t work. She ran away.)”
“(ANO?!)”
Tumaas na ang boses ni Baby. Si Jong Hyun tumayo na at kumunot ang noo.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...