(36)

3.1K 36 2
                                    

(36)

 

 

[Nikka’s POV]

Tinulungan nga ako ni Jong Hoon sa pagpapablock ng phone ko. Pero hindi pa namin natapos ngayon dahil ang dami pang chechebureche na kailangan. 

Naglalakad lakad na lang kami kung saan-saan.

“(Hayaan mo, hindi rin niya mgagamit yon.)”

“(Sana nga eh. Pero kung alam ko lang na ang dami palang kailangan hindi na sana natin pinagpatuloy.)”

“(Okay lang yun sus, madali lang naman eh. Tsaka nasimulan na natin edi tapusin na rin natin.)”

“(Kung sa bagay. Tutulungan mo ko dito hanggang sa matapos ha. Hahahaha!)”

“(Oo naman.)”

“(Tss. Joke lang uy, di mo obligasyon na tulungan ako.)”

“(Eh sa gusto ko tulungan ka eh. Tara lunch muna tayo.)”

Sasagot palang sana ko pero hinatak na niya ko. Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar na niya. Pagbaba ko naman sa kotse niya dun ko lang napagtanto na nasa private mall kami. Nag-umpisa na kaming maglakad para pumasok sa loob.

“(Nakapunta ka na dito?)”

“(Oo pero once palang.)”

“(Talaga?)”

“(Yep, si Baby nagdala sa’kin dito.)”

“(Baby?)” O_____O Uh-oh...

“(Ay! Dun tayo kumain oh, masarap dun. Tara!)”

Buti nakita ko yung restaurant na kinainan namin ni Baby dito. Hinatak ko na siya para makalimutan na niya yung sinabi ko. Naku! Di ko pwede sabihing may relasyon kami ni Yong Hwa Baby, kahit magkaibigan rin sila mahirap na noh.

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon