Being a fan doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there UNTIL THE END.
_____________________
(61)
Part III
[Ynnah's POV]
Niyakap ko sa braso si Jong Hyun My Loves. Nangangatog ang tuhod ko. Hanggang dito lang ang gusto kong sabihin. Wala na kong balak sabihin na muntikan na kaming magkaanak. Baka hindi na ko pabalikin pa sa Korea pagnagkataon.
“Ramdam ko na. At alam ko naman na sa pagpunta niyo dun, maaari talagang mangyari ito. Well, masaya ako Ynnah. He’s your first boyfriend at pinakilala mo siya ng harapan sa’min.” Tumingin siya kay Jong Hyun at ngumiti. “Hi, Jong Hyun!”
“Hello po.” Napaawang ang bibig ko. Aba! Marunong bumati ng pabalik si Jong Hyun My Loves? Hmm.. Mukhang natrain ‘to ni Nikka ha. He’s smiling sweetly.
“Tara na nga at kumain na muna kayo.”
Sumunod kaming lahat kay Mama sa dining room. Kinuha na ng mga pinsan ko ang mga pagkain kina Jong Hyun My Loves at Min Hyuk. Hawak ko si Min Hyuk sa kamay at si My Loves naman sa braso. Hindi ko alam pero ayoko yata silang bitawan. Gusto ko maging maingat sa kanila katulad ng bilin sa’kin ni Nikka.
Pagkahain ng mga pagkain ay nagsiupo na kami. Buti na lang at mahaba ang dining table namin. Pinagsandok ko na yung dalawa. Nagkainan na kami maliban kay Mama na tinitignan lang kami.
“Ma, kain na po. Sarap sarap ng palabok o!”
“Anak, ang dami kong gustong itanong sa boyfriend mo kaso pano ko siya makakausap? Hindi naman kami magkakaintindihan.”
“Nandito naman ako, pwede ko naman itranslate.”
“Edi parang ikaw rin ang kinausap ko. Ay nako. Pano kapag naging asawa mo yan, pano kami mag-uusap? Pano rin kami magkakaintindihan ng mga magulang niya? Pano na rin ang magiging apo ko? Pano ko---”
“Ma, kalma. Ang dami mo namang pinoproblema agad e. Wag ka masyadong mag-alala.”
“Hindi ko lang malaman kung anong magiging future ng pamilya natin. Napakasikat pa man din nila diba? Wait! Mamaya niyan marami ng nakaabang sa labas ng bahay natin. Mamaya may mga reporters na!”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanficCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...