Chapter 4

38.4K 1K 81
                                    

CHAPTER 4

"Kael." Bati ko kay Michael ng makita ko syang naglalakad papuntang lockers area. Nag-angat naman sya ng tingin at ngumiti sakin.

"Carlo." Bati niya pabalik at kumaway. "Aga mo ata ngayon?"

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya. "Sayo pa talaga galing ang mga salitang yan. Bakit ang aga mo ngayon?"

Nang sinabi ko ang mga salitang 'yon, automatikong sumibangot ang mukha nya. "Lea was consistently calling me. She said she wants celebrate our first weeksary today. Women."

Wow, so bumangon sya ng maaga para lang sa dahilang 'yon? That girl is really lucky. Imagine, she made Michael woke up and even went to school this early. Nahanap na kaya ni Michael ang katapat nya? Oh, that would kill me inside. Deeefinitely.

"W-Wow! May nakakapagpasunod na sa isang Kael?" Sabi ko na muntikan pang pumuyok. Buti nalang di ganoon kalahata na nanginig ang boses ko. Baka magsuspetsya sya.

"Well, yeah." Sabi ni Kael at nagkibit balikat, "But that's not only the reason. Actually, I'm planning to b----"

Huh? Hindi lang 'yon. Teka, time first.  Di pa nga nakakamove on ang puso ko nang sinabi nya na gumising sya ng umaga dahil kay Lea, tapos papatungan pa nya? Plano nya ba talagang patayin ako?

Biglang may isang pamilyar na bulto ng katawan ang dumaan sa gilid ng mata ko. When I looked at him, I found out that it was Dark. Bigla ko napasalamatan lahat ng nakatira sa langit dahil sa dumaan sya at may naisip akong idea.

"Ah, Dark!" Sigaw ko ng medyo malakas. Napatingin naman sya sa gawi ko at kumaway. I waved back at him and run towards him. "Hi! Uhm... gusto ko nga palang magpaturo sa'yo kung pano tugtugin 'yung Cannon. Can you please teach me?"

Please, pumayag ka. Help me.

Alam kong sobrang feeling close ang labas ko kay Dark pero wala na kong magagawa. Andito na 'to, just go with the flow nalang.

"Ah shit, I'm sorry but I'm in a hurry right now. I have something really important to do." he said, looking apologetic.

Grabe, ang tanga ko talaga kakahiya tuloy. Naabala ko pa sya. Busy pa yung taong nalapitan ko.

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa ginawa ko. Bakit ko ba nakalimutan na isa syang busy na tao. At isa pa kahapon lang kami nagkakilala tapos nahingi agad ako ng pabor. Ang kapal naman ng mukha ko.

"No, i-it's fine. I'm sorry for bothering you. I-I just... umh.." sabi ko habang nag-iisip ng tamang salita para tapusin ang usapan namin. "Yea, I'm going to l-leave now, so yeah, go ahead..." sabi ko sabay turo sa kanya ng daan, meaning, he may leave now.

Tumalikod na sya na parang aalis ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay humarap ulit sya. Binigyan ko naman sya ng nagtatakang tingin. May kailangan pa ba sya?

"How about giving me your number, so I can contact you whenever I am free. Is that okay with you?" Nakangiting sabi nya habang nakamot ng buhok.

Well, if it's just number, "Sure why not---- aww!!" Impit na sigaw ko nang biglang may humila sa braso ko.

"Who the fck are you?" Sabi ni Michael na nanlilisik ang mata. Nalipat din sa kanya ang atensyon ni Dark.

"K-Kael! Kael... he's Dark. I accidentally met him yesterday... and w-we became friends." Sabi ko kay Michael. Don't tell me isa sya sa mga uri ng tao na ayaw ni Michael. Napa-aray naman ako nang mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa braso ko. "Kael masakit."

"I'm not asking you." Singhal ni Michael sa'kin at muli binalik ang tingin kay Dark.

"Dark is the name, pare. I'm the music club's president. I'm sort of famous, you know. And so you are. You're Michael right?" Sabi ni Dark kay Michael na ngayon ay parang kakainin sya ng buo. Naglahad pa sya ng kamay na saglit lang tiningnan ni Michael pero di ito tinanggap.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon