Chapter 28

28.2K 728 98
                                    

Chapter 28

Ilang araw na ang nakalipas simula nang mag-away kami ni Michael.

Simula nang mangyari 'yun, sa tuwing nagkikita man kami sa room o kung nagkakasalubong sa hallway, hindi kami nagpapansinan.

Hindi ko sya iniimikan at ganun din naman sya. Naging hangin ang turingan namin na isa't-isa't. Ni hindi man lang nagtatama ang mata namin kahit isang beses.

Alam kong nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa amin na may problema kami ni Michael ngunit mas pinipili nalang siguro nilang manahimik at huwag mangialam.

Look's like our friendship is really over...

Napangiti ako ng mapait dahil sa naisip ko. Ito naman ang gusto ko, di'ba? Ngunit bakit ganito kabigat sa pakiramdam?

Siguro ay nasasayangan lang ako sa haba ng panahon na pinagsamahan namin. Siguro ay sa una lang ito at kapag naglaon, nakakasanay ko din ang ganitong sitwasyon naming dalawa. Mawawala na ang nararamdaman ko para sa kanya at pag nangyari 'yon, magiging masaya na akon

Pero ganito ba talaga muna kasakit ang dapat maramdaman ko bago ako maging masaya?

Tama ba talaga ang desisyon na napili ko?

"OMG! Andyan na ang bus ng Z University!" Nagulat nalang ako ng bigla na lamang may isang babaeng sumigaw sa harapan ko habang papasok na ako ng gate.

Mabilis naman akong napatingin sa likuran ko nang marinig ko nga ang tunog ng isang sasakyan mula doon.
Napatabi naman ako bigla ng makita ang isang napakagarbo at napakalaking bus sa likuran ko.

Pumasok ito sa loob ng school namin at pumarada sa field. Naghihiyawang sumunod naman ang mga estudyante ng school namin doon.

Napailing nalang ako.

Mga papansin talaga ang hayup na iyon. May parking lot naman itong school namin pero dito pa talaga nila naisipang pumarada sa may field kung saan maraming tao. Pahanga. Tsk.

Lumakas ang sigawan ng mga estudyante nang magbukas ang pinto ng bus at nagbabaan ang mga players ng Z University. Dahil siguro sa mga mala-modelo ang mga players nila kaya nagkakagulo ang mga kababaihan dito.

Dito kasi sa school namin gaganapin ang unang game para sa basketball competition kalahok ang iba't-ibang school sa lalawigan namin.

Kami naman ang unang lalaban at ang una naming makakalaro ay ang K University na syang tumalo sa amin last year. Nasa kanila ngayon ang trophy na hinawakan ng school namin ng ilang taon.

Kailangan namin makuha iyon pabalik kaya ganun na lamang kahigpit ang aming pag-eensayo dahil kapag natalo namin sila, malaki ang tyansa na sa'min na ang tropeyo.

Napailing lang ako nang kumaway-kaway pa ang mga ito.

Para silang mga idols na magko-concert lang dito sa school namin. At ang mga tanga ko namang mga kaschoolmate, naghiyawan pa lalo at mas pinalalaki ang ulo ng mga gagong 'yun. Hindi ba dapat may namumuong tensyon ngayon dahil sa tinalo nila kami last year?


Ewan. Hindi ko talaga maintindihan ang utak ng mga mayayaman.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon