//to be edited
"What's this?"
Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko nang magsalita si Michael sa harap ko. Di maipinta ang mukha nya at para bang walang tiwalang nakatingin sa'kin.
Nakangiting napatingin ako sa cellphone nya na may message na galing sa'kin.
I know something about Carlo. If u're interested, meet me at $@#^*. I'd be more thn willing to share...
'Yan ang nakasulat sa message na pinadala ko sa kanya. At hindi naman ako nagsinungaling. I really know something about Carlo pero si Avy na ang bahala doon. Ginamit ko lang ang idea na 'yan para makausap muli sya ng malapitan. May gusto kasi akong sabihin.
"Do you remember me?" Sabi ko at binalik ang tingin ko sa kanya.
"I have no time to remember you. I'm here for this," sabi nya at iniangat ang kanyang cellphone. "What do you mean by this?"
Saglit nawala ang ngiti sa labi ko ngunit agad ko din iyong ibinalik. I'm already expecting him to be this cold. Sabi kasi sa'kin ni Avy, pinagba-bawalan daw sya ni Carlo makipag-usap sa ibang babae.
"That's not the main reason why I asked you to come here." Sabi ko at humakbang palapit sa kanya. "I want to help you."
Labis na nangunot ang noo nya, "You fcking crazy? I don't need anybody's help." Sabi nya at napailing. "I can't believe I wasted my time coming here."
Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at diretso ko syang tiningnan sa mata. Mahahalata ang gulat doon sa ginawa ko, "Don't worry, I know everything. Alam kong pinipilit ka lang ni Carlo sa relasyon nyo ngayon. Ayaw mo sa kanya, di'ba? Alam ko. Galit din ako sa kanya. He hurt my brother so I'll help you get rid of him, okay? I'll help you----"
"Are you fcking serious?" Biglang sigaw nya at marahas na hinila ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko. "Where in the fcking hell did you get that freakin' idea?"
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ko syang parang walang alam sa sinasabi ko. Oh, yes of course. He was his bestfriend.
"Y-You don't have to hold back just because he's your friend. H-He's wrong. H-He must---"
"Shut up, will you?! Stop talking as if you know everything cause you obviously don't!" Galit na sigaw nya at marahas na hinawakan ako sa magkabilang balikat. "I love him, okay? I fcking love him. Hindi nya ako pinilit, hindi nya ako pinepwersa. Hindi ko sya pinagtatakpan. Mahal namin ang isa't-isa so stop your nonsense."
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang tinulak nya ako palayo sa kanya. Ramdam ko ang naiwang sakit mula sa mariing pagkakahawak nya sa balikat ko ngunit di ko na iyon napansin dahil mas masakit ang nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon.
"N-No way." Mahinang sambit ko.
Ibig sabihin ba nito, puros kasinungalingan lang lahat ng sinabi ni Avy sa'kin?
Mali ba ako ng taong nabigyan ng tiwala?
I can't believe this. Iyon na nga lang ang tanging dahilan kung bakit patuloy akong kumakapit sa kanya. Dahil akala ko may pag-asa pa ako tutal wala naman talaga syang nararamdaman para kay Carlo.
"You know what? Just don't show your stupid face to me again." Gigil na sabi ni Michael sa'kin at dinuro ako. "I know I'm aslo fcking stupid to be here - dahil naniwala ako sa sinabi mo pero kanina pa nya akong hinihintay doon. And he's probably freezing to death so I'm leaving."
Napasinghap ako nang tinalikuran na nya ako para siguro bumalik na kay Carlo.
No, but he just got here. He can't leave yet.
And with that thought, bigla ko nalang hinila si Michael paharap sa'kin. Hinawakan ko at ulo niya at hinila iyon palapit sa mukha ko - para halikan sya.
Ang totoo nyan, ito ang first kiss ko at ayos lang sa'kin na ibigay ito kay Michael. Kahit unang beses ko palang naramdaman ang mga ito para sa isang lalaki pero sigurado ako, mahal ko siya.
At sana sa pamamagitan ng halik na ito at maiparamdam ko sa kanya iyon.
Nagulat ako nang biglang pinasok ni Michael ang dila nya sa bibig ko. At dahil di ko iyon inaasahan, napasinghap ako parang naubusan ng hininga. Balak ko sanang lumayo ngunit maagap na hinila nya ang batok ko palapit muli sa kanya.
Tumagal ng ilan pang segundo ang paglalapat ng labi namin bago nya ako bitawan. Hingal na hingal ako habang si Michael ay prente lang na nakatayo sa harap ko at walang emosyon sa mukha.
"What a lame kisser." Tila nandidiri na sabi nya at dumura sa lupa. "Are you happy now?"
"I-I can practise--"
"It doesn't matter." Mahinahon at tila nanghihina na putol nya sa sasabihin ko. "Whether you're a good kisser or not, I don't really care."
Suminghot ako at muli na lamang napaiyak sa kinatatayuan ko. Tinakpan ko pa ang mukha ko gamit ang kamay ko at napayuko.
"I-I love you." Walang pagdadalawang-isip na pag-amin ko ng nararamdaman ko sa kanya.
Di sya nagsalita ngunit pagkaraan din ng ilang saglit ay binasag na nya ang kanyang katahimikan, "Carlo is a lame kisser, too. No, he actually sucks at it." Natatawang sabi nya. "But no matter how lame his kisses are, hinding-hindi ko ipagpapalit ang labi nya sa iba."
Bigla kong naiangat ang tingin ko sa kanya. Napakasaya ng mukha nya. Di maipagkakaila na mahal na mahal nga talaga nya ang taong tinutukoy nya.
He really loves Carlo.
Nanlumo ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako umimik at tahimik lang na pinakinggan ang sinasabi nya.
"This will be the last time that I will kiss another person beside him so be grateful." Mahangin na sabi nya at nginitian ako. "Can I ask your name?"
Bigla naman akong natalima at sinabi sa kanya ang pangalan ko, "I-It's Hiraki..."
Bigla nyang pinatong ang kamay nya sa ulo ko at binigyan ako ng isang napakalungkot na ngiti. "I'm sorry, Hiraki. I can't love you back. I really love Carlo so please find someone who worths your love." Sabi nya.
Habang sinasabi nya ang salitang 'yun, ramdam ko ang senseridad sa bawat salita na binitawan nya.
So ganito pala kapag naiinlove. Maayos na naipakita nya sa'kin na mali ang paraan ko ng pagmamahal. I'm such an idiot. I can't believe na marami akong mga maling bagay na naisakripisyo.
Katulad na lamang ng pagkakaibigan namin ni Carlo.
Muli kong naitakip ang kamay ko sa mukha ko at napahagulhol ng iyak, "T-Thank you." Mahinang sambit ko.
I know. Alam kong tinanong nya ang pangalan ko dahil ayaw nya akong i-reject na hindi man lang nalalaman ang pangalan ko.
Thank God, sa mabuting tao ko unang naibigay ang puso ko. Masakit man pero hindi naman sobra dahil pinutol nya ang pag-ibig ko sa kanya sa magandang paraan.
Ngayon ang tanging hiling ko nalang ay maging masaya sya sa taong minamahal nya. Sana di sya matulad sa'kin at masaktan.
"P-Please, be happy..." Mahinang sabi ko nalang sa kanya.
"I will." Sabi nya at di ko man nakikita pero alam ko, nakangiti sya. Ginulo nya ang buhok ko bago tuluyan nang naglakad paalis.
Habang lumalayo sya sa kinakatayuan ko, napapikit nalang ako. Ayokong makita syang mawala sa paningin ko. Ayaw ko nang masaktan. Kaya nakapagpasya na ako.
It's time to let go...
Goodbye, my first love...
------------------------------------------------------------------------------------------>> TBC ❤❤
(A/N: Special Chap lang 'to kaya di sya kasama sa bilang. So ayun, sana po nabawasan ang inis nyo kay Michael. Magtatapos na po. Subukan nyo po syang mahalin. CHAROT.
Yun lang po. Sorry po kung may wrong grammar. Babyuh po. Salamat ng marami. Mwah~ 💕)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...