Chapter 3

44.5K 1.1K 234
                                    

Chapter 3

"Hey, guys." Masiglang bati ni Michael sa'min nang pagkalapit nya. Bumati naman kami pabalik sa kanya. Nakipaghigh-five pa sya mga ito at sinuntok ng mahina ang braso ko bilang pagbati. Alam niyang di ako mahilig makipag-apir. "Yea, so here's Lea, my girlftiend."

At dun lang namin napansin ang babae sa likuran niya. Nakangiti ito ng malaki at kumaway sa amin. Tumungo lang sina Ailan sa babae habang ako naman ay ngumiti at kumaway din.

Teka, sino 'to babaeng 'to? Asan si Steff? Isip ko habang nakangiti parin dun sa Lea daw. I know, ang plastic ko. Kesa naman dedmahin ko sya, bastos naman ang labas ko dun.

Btw, Steff was Michael's ex-girlfriend, I guess? To be honest I'm not sure yet since kahapon kasabay pa namin sya maglunch. Yah. She had been eating lunch with us for almost... uhh, more or less a week? Urgh nevermind. Okay na rin 'to, baka mabait naman di tulad ni Steff na lagi na lamang nakikipagkompetensya sa'kin at di ko alam kung bakit.

Michael sat beside me and his girlfriend took the seat beside him. Pagkakaupo palang nila, pinulupot agad nito ang mga braso nya sa braso ni Michael at tumingin ng masama sa'kin.

Palihim na naiikot ko na lang ang mata ko. Ugh, not with her, too. Pati ba naman sya?

I mean, what's wrong with them? It's not like I'll take their boyfriend away from them... kahit gustuhin ko man, hindi iyon mangyayari. What a lucky bitches for being born as a girl.

Sinawalang bahala ko nalang ang uri ng tingin na pinupukol nya sa'kin. Sanay na ako okay? Tinuon ko nalang ang akin atensyon sa pagkaing nasa harap ko at ang presensya ng lalaking pahilim kong minamahal na nakaupo sa tabi ko.

Nag-umpisa narin silang kumain nang maihatid nung isang stuff sa cafeteria nato yung pagkain nila. Actually, hindi naman dapat hinahatid ang pagkain dito. Tama na siguro ang isang example para maigets nyo kung bakit ganun ang trato dito sa kanya.

Isa sa shareholder ng school na 'to ang pamilya nya. Hindi lang 'yon, pinakakaingatan ang pamilya nya dito dahil sila ang may pinakamalaki naiiambag, unang-una sa pera. At sila din ang may-ari ng lupang pinagtatayuan ng school na ito. Yas, it seems impossible but it's true. Marami pa silang naiitulong sa school na ito kaya naman walang makagalaw kay Michael dito.

"Michy baby, I don't eat mushroom. Can you please eat it for me?" Marahang napatingin ako sa kanila nang marinig kong nagsalita si Lea. Nakita ko syang inilalapit ang kutsara sa bibig ni Michael na hindi naman nakatingin sa kanya.

"Okay babe, just put it right there. I'll eat it later." Sabi ni Michael na di man lang ito tinapunan ng tingin. Busy kasi sya sa pagbabalat ng grilled chicken nya. Fck, not again. "Carlo, here." Nakangiting sabi ni Michael sa'kin sabay lagay nung balat ng manok sa plato ko. "You like that, right?"

Hell yeah, I love it. Pero parang kakawalang ganang kainin dahil sa sama ng tingin sa'kin ni Lea. Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti kay Michael. "Yea, thanks."

"Baby, I also like that. Can you give me some as well?" Biglang nakangusong sabi ni Lea na tila nagpapacute kay Michael.

"Huh? Sure. Here take the rest." Sabi niya at binigay na lahat ng natitirang manok kay Lea. Nang nadako ang tingin sa'kin ni Lea, binigay nya ako ng isang ismid. Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil baka bigla ko nalang mahigit ang buhok nya at makalbo sya.

Nag-umpisa na muli kaming kumain. Tahimik lang na nasubo sina Ailan, Jr at Marvin pero alam kong pinakikiramdaman nila si Lea. Her every moves, her whining, her behavior. They are judging her. Since mapili sila sa mga kakausapin at kakaibiganin nila, natutunan na nilang bumasa at nangilatis ng tao. At ganun din ako. At sa pinakikita ni Lea ngayon, nope, di nya makukuha ang loob nilang tatlo.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon