Chapter 36
What was that?
Di makapaniwalang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan.
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang bench at pilit iniisip kung si Michael nga ba ang nakita ko kanina. Sya ba talaga 'yung nakahalikan ni Hikari?
"Argh! Ang tanga ko talaga!" Pagkausap ko sa sarili ko habang tinotoktokan ang ulo ko.
Bakit hindi ko sila nagawang lapitan at kumprontahin? May karapatan naman ako di'ba? Boyfriend ko si Michael. Pede ko silang sugurin at pagsasampalin pero di ko nagawa.
Bakit? Tanong ko sa sarili ko kahit alam ko na naman ang kasagutan.
Unang-una dahil inunahan ako ng takot. Takot na malaman ko ang katotohanan kung may namamagitan ba sa kanila o wala. Natatakot akong marinig mula mismo sa bibig ni Michael na hindi lang ako nag-iisa para sa kanya.
Pangalawa, dahil kaibigan ko si Hikari. Alam ko rin ang nararamdaman nya para sa nobyo ko. Nang makita ko sya kaninang hinahalikan si Michael, di ko maiwasang manlumo. Pero sa kabila 'nun ay di ko rin magawang magalit sa kanya.
Hindi naman nya alam na kami ni Michael. Alam kong mabuti syang tao at hindi nya magagawa iyon kung alam nya ang relasyon namin ni Michael.
Iyon agad ang tumakbo sa isipan ko kaya naman hindi ko sila nagawang lapitan. Sa halip, ako ang lumayo.
Ang tanga ko, no?
May isang luha na nakatakas mula sa mata ko at agad ko iyong pinunasan. Ayoko agad magdrama ga'yung hindi ko alam ang lahat ng nangyari. Tama, kailangan kong magtiwala kay Michael.
"A-Achoo..ooh.." Pagbahing ko nang bigla na naman akong tamaan ng lamig. Mag-a-alas sais na at unti-unti nang kinakain ng dilim ang kapaligiran. Mukhang kanina pa ako tulala dito sa bench na kinauupuan ko. Di ko rin namalayan na basa pa rin pala ang damit na suot ko.
Nagulat ako nang may narinig akong tumawa mula sa likod ko. Agad naman akong napalingos upang tingnan kung sino iyon at tiyakin kung ako ba 'yung tinatawanan nya.
"Yo." Bati sa'kin ni Dark. Mahahalata naman ang gulat sa mukha ko nang makita sya.
"Uy, kanina ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya upang pasimpleng itanong na rin kung nakita nya akong umiiyak.
Umupo muna sya sa tabi ko bago sagutin ang tanong ko, "Di naman." Sabi nya at sumandal.
Napahinga naman ako ng malalim.
Mabuti naman kung ganun. Wala kasi akong gana magkwento ngayon tungkol sa problema ko at isa pa, di ko rin alam kung kaya kong sabihin sa kanya iyong tungkol kay Hikari.
"Bakit ka nandito?" Walang sa sariling tanong ko sa kanya.
Natampal ko tuloy ang noo ko dahil doon. Natural nandito sya dahil iisa ang school na pinapasukan namin. Kaparehas ng dahilan kung bakit ako nandito.
Natawa sya sa ginawa ko at ginulo ang medyo basa kong buhok .
Inakbayan nya ako at hinila palapit sa kanya kahit na basa pa rin ako, "Mukhang nasagot mo na sa sarili mo ang tinatanong mo sa'kin kaya di ko na sasagutin." Sabi nya at tumingin sa mga estudyanteng naglalakad sa harapan namin. "Pero hindi lang dahil dun."
![](https://img.wattpad.com/cover/50876674-288-k388346.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...