Chapter 9

38.2K 922 89
                                    

Chapter 9

"Uhmm... Kael..." Sabi ko pagkaupo ko sa seat ko. Sobrang naiilang ako dahil nga ng nangyari kagabi. Gusto ko lang din magpasalamat dahil tinulungan nya ako kahit na nakakailang para sa dalawang lalaki gawin ang ganung bagay.

Nang lumipat ang mga mata ni Michael sa'kin, may kung anong emosyon akong nakita doon. Parang inis o takot basta di ko malaman. Napaisip naman ako. Parang tuloy ayoko nang banggitin pa sa kanya ang mga sasabihin ko.

Ngunit agad din namang nawala ang kung ano mang emosyon iyon sa mata nya nang ngumiti sya sa'kin. "Good Morning, Carlo." Bati nya tulad ng palagi nyang ginagawa.

Di ko alam pero pinamulahan ako ng mukha nang binati nya ako. Kimi naman ako ngumiti sa kanya at bumati din, "G-Good Morning din!" Nahihiyang sabi ko pa sa kanya.

Binigyan nya ako ng nawiwirduhang tingin. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bat ganyan ka magsalita?" Nagtatakang sabi nya. Syempre di nya naman ako masisisi dahil sa nangyari kagabi. Nanunumbalik sa isipan ko lahat, kahit malilit na detalye.

Sa totoo nga, di ako nakatulog magdamag dahil sa naiisip ko sya saka 'yung ano, 'yung init ng kamay nya. Feeling ko tuloy lalong namumula ng mukha ko dahil sa mga iniisip ko.

Sya kaya nakatulog ng ayos? Base kasi sa mukha nya at sa malalaki niyang eyebags, hindi rin. Nahihiya tuloy ako sa kanya kasi baka dahil din sa nangyari kagabi kaya di sya nakatulog.

Napahawak naman ako sa magkabila kong pisngi at napatingin sa sahig. "Kasi... a-alam m-mo na.. kaga-kagabi.." nauutal kong sabi. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko para kumalma. Para kasi akong teenage girl na nagco-confess sa lalaking gusto nya. "Ka-Kagabi kasi---"

"Anong meron kagabi?" Putol nya sa sasabihin ko.

Eh?

Nanlalaking mata na napatingin ako sa kanya. Naglaho din ang ngiti na kanina lang ay parang nakapinta sa mukha ko. Agad naman syang umiwas ng tingin sa'kin pagkatingin ko sa kanya.

"A-Anong ibig sabihin m-mo s-sa-sa anong nangyari kagabi? Di mo ba naaalala?" Mahinang sabi ko na may halong pagkadismaya.

"Hindi." Mabilis na sagot nya. Magsasalita pa sana ako ngunit agad syang nagsalita. "Uy, andyan na pala si Emman. Sige Carlo, mamaya nalang..." paalam nya at mabilis na umalis sa harapan ko. Pero di nakaligtas sa paningin ko ang muling pag-iiba ng emosyon sa mata nya. May halo iyong pagsisisi dahil siguro ay dahil sa pagsisinungaling nya.

Naiwan akong di makagalaw sa kinakatayuan ko. Hindi makagalaw at pilit na iniintihin ang pangyayari.

"Let's forget about what happened last night!"

Iyon ba ang gusto nya iparating sa'kin? Kalimutan namin lahat ng nangyari?

Tumango nalang ako kahit na wala na sya sa harap ko.

Kung iyan ang gusto mo...

Tanda ko pa ang labis na pagkadismaya at kalungkutan ko nang mga araw na iyon. Mas pinili nyang kalimutan at umakto na parang walang ganoong pangyayari sa amin dalawa.

Buti nga at tinrato nya parin ako tulad ng dati. Nanatiling normal na magkaibigan ang relasyon namin. Parang hindi nangyari yung lahat nung gabing 'yun. Kaya naisip ko na rin na baka tama ang desisyon nya.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon