Chapter 15

32.1K 881 79
                                    

Chapter 15

"Aray... po... ate dahan-dahan po!"

Natawa nalang ako nang maluha-luhang sinabi ni Hikari iyong mga salita iyon sa babaeng nagbubunot ng kilay nya. Kasi naman, kahit nasasaktan na sya di parin nya nakakalimutang gumalang. Kakatuwa syang panuorin dahil kakaiba 'yung mga reaksyon nya.

"Wag ka lumingos, be! Baka hindi pumantay ang bunot ko!" Sabi pa ng babae na nagbubunot ng kilay ni Hiraki. Pilit nitong inihaharap ang mukha nya pero nanlalaban naman sya.

Tumingin iyong babae kay Dark na para bang humihingi ng tulong. Napabuntong hininga naman si Dark na nasa tabi bago tumayo at lumapit sa kapatid nya.

Nagulat ako nang bigla nya pisilin ang kaliwang pisngi ni Hikari at napaaray naman ito. "Wag ka ngang maarte, Hikari! Tinutulungan ka na nga dyan! Pag di pumantay 'yang kilay mo bahala ka, sa halip na mawalan ka ng bully madadagdagan pa dahil mukha kang tanga!" Sabi ni Dark kay Hikari at binigyan ito ng masamang tingin.

Di naman sumagot si Hiraki at maluha-luhang tumingin dun sa babae. Napangiti naman kay Hikari 'yung babae. "Wag ka mag-alala, be! Masasanay ka din mamaya, sadya lang masakit sa una ang pagbubunot ng kilay! Pag nakasanayan mo na, di mo na masyadong mararamdaman ang sakit!" Sabi ni Ateng magkikilay.

Tumango naman si Hikari at pumikit na parang sinasabi na handa na ulit sya magpabunot ng kilay. Buti naman, kanina pa kasi kami salon at ang nagagawa palang namin ay pagupitan ang mahabang buhuok ni Hiraki. Pero in fairness naman kay Hikari, pinutol lang at kinulayan ng konti 'yung buhok nya pero lumabas na din agad 'yung ganda nya.

Bigla naman akong natigilan nang biglang humugot ng linya si Ateng magkikilay bago muli tinrabaho ulit ang kilay ni Hikari, "Pero sa pag-ibig masama kasanayan ang sakit, nakakamanhid kasi ng puso! Akala mo okay na at maayos na ang lahat, pero di naman! Kaya bago mo makasanay ang sakit, tigilan mo na be!" At tumawa sya nang malakas.

"Humuhugot ka ate, ha?" Sabi pa ni Dark at sinuklian naman siya nito ng ngiti.

Ako naman ay natahimik sa kinatatayuan ko. Wala man kasi syang intensyon, pero natamaan ako sa sinabi nya.

Iyon ba ang dahilan kung bakit gumising nalang ako kaninang umaga na parang ayos na ang lahat? Dahil sanay na ako sa sakit? Namanhid nalang ba ako kaya akala ko maayos na ang lahat? Na wala nang problema?

Hindi ko maiwasan mainis kay Minchael dahil muli pumasok na naman sya sa isipan ko.

Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil iniisip ko lang naman na walang kasalanan si Michael. Wala naman kasi syang alam sa nararamdaman ko. Ako ang pumili na wag lumayo at magpanggap nalang hindi nasasaktan. Hinayaan ko sya na isipin na magbestfriend kami.

Tama naman ako di'ba? Kung una palang lumayo na ako o kahit ipaalam ko nalang sa kanya ang sikretong pagtingin ko sa kanya. Kung hindi lang sana ako natakot na umamin edi wala nang masasaktan o makakasakit.

"Tsk." Napatakla nalang ako at napakamot sa gitna ng kilay ko. Napansin kong napatingin sa akin si Dark ngumiti nalang ako sa kanya kaso hindi sya ngumiti pabalik.

"You okay?" Tanong nya sa'kin na mukhang worried.

Tumango naman ako at ngumiti ulit, "Syempre naman." Sabi ko. Hinampas naman nya ako ng mahina sa braso at muling ibinalik ang tingin sa kapatid nya. Ganun din naman ang ginawa ko.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon