Chapter 18

35.4K 823 131
                                    

Chapter 18

I want to violate you.

Napakunot ng bahagya ang noo ko ng mabasa ang sulat na nakalagay na naman sa locker ko. Tulad ng mga nakaraang araw, may kasama na naman itong rosas na pula. At aaminin ko, nag-uumpisa na akong mabahala dahil mukha wala talagang balak na tumigil ang taong nagpapadala nito sa'kin.

Nabahala din ako sa nilalaman ng sulat ngayon. Isang pangungusap lang iyon pero parang may halong ibig sabihin ang mga salitang iyon. Nakaramdam tuloy ng kilabot ang buong katawan ko.

Kailangan ko na bang humingi ng tulong?

Nabigla ako nang magbukas ang locker ni Michael. Binuksan na naman pala iyon ni Avy at may kung anong kinalikot na naman sa loob ng locker ni Michael. Mabilis ko naman naitago sa loob ng locker ang sulat na hawak ko bago pa sya tuluyang mapatingin sa akin.

"Hi, Carlo." Sabi nya habang may nakapaskil na pekeng ngiti sa labi nya. Paano ko nasabi peke? Halata kasi. "Bakit bigla ka nalang nawala kagabi?"

Dahil sa hindi ko inaasahan na itatanong nya ang bagay na iyon, di ako agad nakasagot. Tinutukoy nya siguro ay nang bigla akong nawala sa party pagkakakita nya sa amin ni Michael na magkasama kagabi. Though sa tingin ko ay wala naman syang nakita sa mga ginawa namin doon pero syempre I can't be sure. May pag samangkukulam pa naman ang babaeng 'to.

Tumikhik muna ako at pinilit na kinalma ang sarili ko bago sumagot, "I-I went home. Medyo sumama kasi pakiramdam ko." Sabi ko, trying to keep my composure.

Nag-oh naman sya at tumango-tango pa. "So what are guys doing in a dark place like that?" Sabi naman nya habang walang kahit anong emosyong makikita sa mata nya.

Pinilit kong tumawa at siniguradong hindi nya iyon mahahalatang peke, "What do you mean what are we doing? Of course we're just chatting! Ano pa bang gagawin namin?" Sabi ko at mabilis na binalik ang tingin ko sa loob ng locker.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanya dahil pakiramdam ko anytime malalaman nya kung totoo ang sinasabi ko o hindi.

Malakas nyang sinaraduhan ang locker ni Michael. Nanlalaking mata na napatingin naman ako sa kanya. Ano bang problema ng babaeng 'to at ang hilig magdabog?

"Good." Sabi nya at sumandal sa locker at pinagkrus ang mga braso nya. Nakangiti sya sa'kin ngayon ngunit hindi iyon umabot sa mata nya na nananatili paring walang emosyon ngayon. "Imposible naman kasing maglamputangan kayo dun kasi that would be disgusting, right?"

Nabawi ko ang paghinga ko dahil sa sinabi nya.

She knows. I can feel somehow that she knows something. Nakita nya ba kami? Did she caught us kissing yesterday? If so, what should I do?

"W-What do----"

Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla tumunog ang bell ng school, "Oops, time is up." Sabi nya at binigyan ako ng isang makahuligang ngiti. "Punta ka na sa classroom mo, baka malate ka. As for me, magkikita pa kami ni Kael sa parking lot. Bye!" Nakaismid na sabi nya at inirapan ako bago umalis.

Naiwan naman akong kinakabahan dahil sa hindi natapos na pag-uusap namin ni Avy. I unconciously bit my fingernail out of nervousness. Anong gagawin ko kung alam nga nya?

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon