Chapter 14

32.9K 875 105
                                    

Chapter 14

Nalipat lahat ng paningin ng mga estudyante sa room namin nang padabog na namang nagbukas ang pintuan.

Tulad ng inaasahan, si Michael na naman ang pumasok. Pawisan ito at sinabi na naman ang usual line niya, "Ma'am, sorry for being late." Paghingi nya ang pasensya sa prof namin na tumango at muli nang bumalik sa pagkaklase. Bad mood ata si tanda.

Agad akong napaiwas nang tingin nang magtama ang paningin namin ni Michael. Nag-umpisa syang maglakad at tumigil sa tapat mismo ng desk ko. Nagpatay malisya naman ako at kunwari ay may binabasa sa notebook ko.

Napansin nya sigurong wala akong balak na pansinin sya kaya naman naupo na sya at naglabas ng kung ano sa bag nya.

Maya-maya ay may pumatak na crumpled paper sa desk ko galing panigurado kay Michael. Muli ay nagpatay malisya ako at dahan-dahang siniko iyong papel para pumatak iyon sa sahig.

Rinig kong napatakla si Michael sa ginawa ko at di ko naman maiwasang matawa. Sinigurado ko naman di nya napansin ang pagtawa ko. Baka isipin nya na ayos na ang lahat. Isa pa, kaya lang naman ako natawa dahil sa kaawa-awa niya itsura ngayon. Hindi dahil nakakatuwa sya.

Simula kasi nang nangyari kahapon, iniwasan ko muna si Michael. Hindi ko sinasagot lahat ng mga tawag pati text messages nya, ganun din ang mga chat nya sa'kin.

Ipinararamdam ko talaga sa kanya na ayaw ko syang makausap. Ni makita ayoko. Parang biglang nawalan ako ng gana sa sitwasyon namin ngayon. Para kasing ako lang 'yung nahihirapan sa mga nangyayari.

.

Nang matapos ang klase, agad akong tumayo at walang sabing lumabas nang room. Hindi ko tinapunan ng tinhin si Michael kahit konti lang. Mabilis na naglakad ako kahit na wala naman akong pupuntahan ngayon lunch. Ayoko ko makasabay si Michael ngayon. Lalo na 'yung girlfriend nyang parang may kung anong kakaibang aura sa katawan.

Halos matumba ako nang bigla nalang may marahas na humila sa braso ko. Kahit di ko man siya tingnan, kilala ko kung sino iyong walang modong humila sa akin.

"What the hell, Carlo! Stop fucking avoing me for pete's sake!" Sabi nya agad namang napatingin ako sa kanya.

Kitang-kita ang inis sa mukha nya. Gigil na gigil pa sya sa hawak sa braso ko.  Syempre, natakot ako dahil sa ginawa nya pero tama na ang ilang beses na nagpaadala ako ng takot ko sa kanya. Hindi ko na ulit hahayaang mangyari iyon. Ayos lang naman matakot, walang masama dun. Ang mali ay dapat di ako nagpapakontrol sa kanya.

Masiglang ngumiti ako sa kanya at umakto na parang nagulat. "Oh, Michael! Ikaw pala!" Bati ko sa kanya.

Dumilim ang mukha nya dahil sa ginawa ko, "Darn it, Carlo! What did you just called me?" Nanggigigil na sabi nya at hinila pa ako nang mas malapit pa sa kanya. Sobrang diin nang pagkakahawak nya sa'kin na halos mapangiwi ako pero pinilit ko panatilihing nakangiti ang mukha ko.

Ganyan naman talaga sya, dinadaan sa dahas ang lahat. At kung hahayaan ko lang sya, namimihasa 'yan kaya dapat ngayon palang supilin ko na. Ipararamdam ko sa kanya na mali ang pamamaraan ng pagkakaibigan nya.

Tumingin ako sa relos ko na nakalagay sa braso na hindi hawak ni Michael. "It doesn't matter. Anyway, I need to go. I have more important things to do, so excuse me. See you around." Nakaismid na sabi ko na kanya at buong lakas na hinila ang braso ko.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon