Chapter 29

30.1K 802 256
                                    

Chapter 29

"Don't touch me..."

Nanatili akong tulala sa kawalan habang patuloy na umuulit sa isipan ko ang mga salitang sinabi kanina sa akin ni Michael. Napakalamig pa ng tingin na ipinupukol nya sa'kin ng mga oras na 'yon na para bang hindi nya ako kilala.

Wala tuloy akong nagawa kundi bumitaw sa pagkakahawak sa kanya at tingnan nalang sya habang naglalakad pabalik sa mga kateammates pa namin.

Siguro ay nagulat ako dahil hindi iyon ang inaasahan ko na irereact nya. Akala ko ay magagalit lang sya sa akin at sisigawan ako.

Pero hindi sya nagalit at hindi rin sya sumigaw. Sinabi nya lang ang mga salitang iyon gamit ang malamig na boses. At dahil doon, pakiramdam ko ay itinaboy nya ako palayo sa kanya.

Aaminin ko, natakot ako sa ginawa nya dahil si Michael pa naman iyong tipo ng tao na kapag hindi na nya gustong makausap ang tao, ibig sabihin lang nayon ay sawa na sya sayo.

Hindi na sya maaapektuhan sa taong iyon at aakto na parang hindi sila magkakilala.

Pero ano bang karapatan kong matakot? Hindi ba ito naman ang gusto ko? Para maging masaya ako, hindi ba iniiwasan ko pa sya para makalimutan ko ang naradamdaman ko para sa kanya?

Pero bakit?

Dapat hindi na sya nagpapaapekto ngayon dahil tapos na ang pagka kaibigan namin pero ano itong nangyayari sa kanya?

Mahigpit na naikuyom ko na lamang ang kamay ko habang matiim na nakatingin ngayon sa pawis na pawis na si Michael at mukhang pagod na pagod sa paglalaro.

"Shit! Hindi man lang tayo makakalahati sa score ng kalaban!" Galit na sabi ni Coach habang kinakagat ang kuko nya at tila hindi mapakali.

Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at ibinalik ang paningin sa mga naglalaro. Sinundan ko ulit ng tingin si Michael at sakto namang tumanggap ulit ng bola mula kays Ailan.

Sinubukan niyang magthree-points shoot ngunit sa paapat na pagkakataon, pumalya na naman ang tira nya.

Napasabunot na lamang si Coach sa buhok nya at mukhang nawalan na nang pag-asang manalo at mabawi ang tropeyo mula sa kabilang school.

"Anong nangyayari sa kanya?" Tila asar na sabi ni Coach na walang dudang walang ibang tinutukoy kundi si Michael.

Napatingin naman ako sa scoreboard para tingnan ang agwat na puntos ng kabilang team sa amin.

9-24

Napakagat naman ako ng labi at ibinalik ang tingin sa dati kong kaibigan. Mukhang pati sya hindi inaasahan na hindi maganda ang magiging performance ngayon.

Makikita kasi sa mukha nya ang sobrang pagkainis habang nakasunod ang tingin sa captain ball ng kabilang team.

He's obviously out of focus and not concentrating at all.

"Goddamit, Kael! What are you doing?" Bulong ko nalang sa sarili ko.

Nag-uumpisa na rin naman akong mainis habang pinapanuod ang mga pagpalya nya. Bakit kailangan nyang dalhin sa laro ang personal na problema nya? Parang gusto ko tuloy syang sugudin sa gitna at katusan ng kahit isa lang.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon