Chapter 35

28.1K 614 140
                                    

Chapter 35

"Anong gusto mong sakyan natin?"

Nanatiling nakakunot ang noo ni Michael sa tanong ko. Sobra kasing nabadtrip ito nang magdesisyon ang prof na naka-assign magmonitor sa klase namin na mag-alphabetical order sa sitting arrangement namin sa bus.

Foundation day kasi ng school namin ngayon at dito iyon gaganapin sa EK.

Pasimpleng napabuntong-hininga ako nang wala akong narinig na sagot mula kay Michael. Nagmumuk-mok pa rin ito na parang bata dahil lang sa hindi nya ako nakatabi sa bus. Kaya eto, nadamay ako at pati ako ay di nya pinapansin.

"Kael stop acting like a child, will you? Wag mo nang isipin ang ginawa ni prof kanina. Mababadtrip ka lang lalo." Sabi ko sa kanya at hinila sya papasok ng EK. "Let's enjoy this day." Sabi ko pa at nginitian sya.

"Acting like a child? No, I'm not." Inis na sabi nya at binawi ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko. "You're supposed to sit beside. That's the reason why I agreed to come here kahit na madami pa sa isang dosena na akong nakarating dito." Singhal pa nya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko, "Okay. Okay. Uupo ako sa tabi sa mga rides, okay na?" Pag-aamo ko pa sa kanya.

Bumusangot lalo ang mukha, " Isa ka pa. Hindi ka man lang nagreklamo na hindi tayo magkatabi. Bakit maganda ba ang katabi mo, ha?" Halos pasigaw na sabi nya sa'kin.

Tumingin ako sa paligid at napansin ang nawiwirduhang tingin sa'min ng mga tao. Wala na rin akong nakikita na kaklase namin at mukhang nag-galaan na sa loob na EK.

Muli akong napabuntong hininga.

Paano naman ako magrereklamo kung nakapagdesisyon na ang nagbabantay sa bus namin? At isa pa, oo maganda ang katabi ko pero di nya ako pinapansin.

Sino sya?

Ang katabi ko lang naman ay si Avy. Tahimik lang syang nakaupo sa tabi ko. Hindi nya ako inaway o kumpronta. Napaisip tuloy ako bigla kung mahal nga ba nya talaga si Michael o hindi dahil sa inakto nya. Pero kung di naman sya apektado bakit nya di nya ako kinakausap.

Napabuntong-hininga ako at tumakla dahil sa iniisip ko.

Inihilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ni Michael, "Sorry na po, ok? Babawi ako sa'yo, promise." Sabi ko sa kanya at itinaas pa ang kanang kamay ko bilang pangako.

Bigla syang tumakla at hinablot ang kamay ko. "Let's go." Nakabusangot na sabi nya at hinila ako papasok ng EK.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hindi nagpahila sa kanya, "D-Do we really need to hold hands?" Bulong ko sa kanya.

Napaigtad naman ako nang bigla nya akong pukulan ng masamang tingin, "Babawi ka di'ba? Let me do whatever I want then." Sabi nya at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko.

"B-But---"

Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang hinila nya ulit ako. Napansin ko ang tinginan ng mga tao. Tila nawiwirduhan sila sa nakikita nila. Dalawa kaming lalaki pero magka-hawak ang kamay namin.

Di'ba ba sya nahihiya? I mean sa'kin okay lang. Actually gustong-gusto ko nga itong ginagawa nya at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba pero sya, okay lang ba talaga sa kanya.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon