Chapter 34
"Carlo!" Nakangiting bati sa akin ng kaklase ko pagkapasok ko pa lang ng classroom. Ngumiti din naman ako pabalik bilang pagbati.
"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya gamit ang magalang na tono.
Tumango naman sya sa akin na may ngiti pa rin sa labi at tila good-mood na good-mood, "Gusto ko lang kasing itanong kung papasok ba si Michael ngayon? Kase di'ba, di na sya bumalik kahapon pagkatapos ng lunch break?" Tanong nya.
Napahawak naman ako sa batok dahil hindi ko din alam kung aattend nga ba si Michael ngayon o hindi.
Pagbalik ko kasi kahapon sa room pagkatapos namin mag-usap ni Dark, wala sya sa room. Dumating na 'yung prof namin at nag-umpisa na magturo pero hindi talaga sya umattend. Sinubukan ko pa nga na pumunta sa ibang klase nya na hindi kami magkaklase pero wala daw talaga sya.
"Hindi ko alam, eh." Sagot ko naman sa kanya sa nanghihinayang na tono.
Sa totoo nyan, hinala ko lang, kaya hindi sya pumasok kahapon ay dahil ng kissmark na iniligay ko sa leeg nya. Siguro ay kinain sya ng hiya dahil doon at naisipan nalang umuwi. Buti naman kung ganun. Ibig sabihin lang 'nun, naiintindihan na nya ang nararanasan ko kapag may ganun din ako sa leeg.
Napansin ko ang pagnguso ni'yong kaklase ko pero ngitian din agad ako, "Ah, ganun ba? Sige salamat." Sabi nya at akma nang tatalikod pero mabilis ko syang pinigilan.
"P-Pede ko ba maitanong kung bakit?" Agad na tanong ko sa kanya habang nakahawak sa braso nya. Saglit na nanlaki ang mata nya sa ginawa ko pero agad din napalitan ng pamumula. "Ano'ng kailangan mo kay Kael?" Tanong ko ulit at binitiwan sya.
Di ko alam. Basta parang may kung anong bumulong nalang sa akin na itanong kung bakit niya hinahanap si Michael. Wala namang masama kung gusto kong malaman, hindi ba?
Napayuko sya sa itinanong ko at pinaglaruan ang mga daliri niya. "K-Kasi... ano-uhm... narinig ko lang kasi n-na..." Nahihiyang sabi nya at sumulyap sa akin. "H-Hiwalay na daw si Avy at M-Michael." Sabi nya at mas lalong pinamulahan ng mukha.
Natigilan naman ako sa sinabi nya.
Hiwalay? As-in break na sila? Bakit walang sinasabi si Michael sa'kin kung ganun nga?
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka naman hindi totoo." Tanong ko pa bilang paninigurado. Kasi naman, kahapon lang namin pinag-usapan iyon di'ba?
Nagkibit-balikat sya, "Ewan ko, ayon sa usapan ko may nakarinig daw kina Michael at Avy na nag-uusap." Paliwanag nya sa akin. Hindi naman ako nakaimik dahil di talaga ako makapaniwala. "Carlo, alis na ako ha? May tanong ka pa ba?" Tanong nya at umiling naman ako.
"S-Sige, salamat din." Sabi ko sa kanya. Nakangiting tumango naman sya at naglakad na ulit papunta sa upuan nya.
Teka, hindi nya pala sinagot ang tanong ko kung anong kailangan nya kay Michael. Ano nga ulit 'yung sagot nya?
Ah nga pala, nabalitaan nya daw na hiwalay na si Avy at Michael. Anong konek 'nun sa tanong ko? Bigla ko namang natoktokan sa ulo ang sarili ko nang maintindihan ang nangyayari.
Si Michael na napakagwapo, mayaman, matalino, mabait (ayon sa perception nila) at pinagpa-pantasyahan ng mga babae ay hiwalay na ngayon sa girlfriend nya na si Avy - dakilang sagabal para sa lahat. Natural iisipin ng mga tao na available na si Michael at pwede na ulit magkaroon ng bagong girlfriend.
"Tsk." Pagtakla ko na lamang. Umupo na ako sa seat ko at humalumbaba sabay sabing, "Bagong girlfriend, huh?" Napaisimid naman ako.
Hahanap kaya ulit sya ng bagong girlfriend?
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...