Chapter 25
"Carlo?"
Rinig kong tawag sa'kin ng isang tao mula sa likuran ko.
Tsk, kung hindi ba naman akong minamalas at sya pa ang nakita ko dito sa library. It's Avy btw, ang isa sa mga taong ayokong makita ngayong araw.
"Yeah?" Tipid sagot ko naman at binigyan sya ng walang ganang tingin.
"Oh, it's really you!" Natatawang sabi nya. "Di kasi ako sigurado dahil ilang araw na kitang di nakikita. Absent ka kasi for almost 1 week, I guess?"
Tinutukoy nya ang pagliban ko ng ilang araw. Wala akong lakas loob na pumasok at nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko sa loob ng ilang araw na iyon. Wala rin akong sinasagot na tawag at messages kahit kanino pa man iyon galin.
Pero salamat naman at dahil pagkukulong ko sa sarili ko ng ilang araw, nakapag-isip-isip ako ng ayos at nakapagself-reflect ng mabuti.
Sa ngayon, desedido na akong magbago. Mas magiging matapang matatag na ako. Para sa sarili ko at para di na ako masaktan. Para di na ako makontrol at madaling madala ng damdamin ko.
Kung magpapatuloy ako kung ano ako ngayon, sa tingin ko ayhindi ako sasaya. I need to love myself in order to be happy.
Pero dahil nga malas ako ngayong araw, kung kelan pa ako nagkalakas loob na pumasok, saka pa nawalang ng klase. Kaya kami nasa library dahil self-study muna kami dahil sa pagiging busy ng mga professor para sa sports fest na gaganapin.
"It's actually 4 days." Malamig na sabi ko sa kanya at binalik ang tingin ko sa libro.
Lumapit naman sya sa akin at tumayo sa harapan ko. "What's with your attitude, Carlo? You're being cold." Nakangiting sabi nya, tila nang-aasar.
Oo, nakangiti sya at di na ako nagtataka doon dahil alam ko namang wirdo talaga syang tao. Gusto nya siguro akong asarin kaya patuloy nya parin akong kinakausap kahit na halatang ayokong makipag-usap sa kanya.
"What's with your attitude, Avy? You're being annoying." balik na tanong ko naman sa kanya. Hindi ko na kasi napigilan ang inis na nararamdaman ko sa kanya.
Halatang nagulat sya sa sinabi ko at di inaasahan na sasagot ako ng ganun sa kanya. Well, may karapatan din akong magbago.
Ngunit sa halip na magalit, lalo pang lumapad ang ngiti sa labi nya. "I am? I'm sorry, baby Carlo. Am I bothering you?" Sabi nya na parang nangangausap ng bata.
"Yes, you are." Mabilis na sagot ko naman at sinara ang sinusuri kong libro. Binalik ko muna iyon kung saan ko iyon kinuha at bumaling kay Avy. "I'm here to study, not to entertain you."
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad ngunit agad ding napatigil dahil sa sinabi nya.
"Carlo, nawala ka lang ng ilang araw ang laki na ng ipinagbago mo." Seryosong sabi nya at naglakad papunta sa harapan ko. "This looks very serious, shouldn't you treat it?" Sabi nya at hinila pababa ang leeg na parte ng turtle neck na suot ko.
Mabilis ko namang tinaboy ang kamay nya at inayos ang suot kong damit para matakpan muli ang nakatagong kissmark sa leeg ko.
Ngumiti ako sa kanya ng pilit, "What a busybody you are." Sarcastic na sabi ko at nilagpasan sya. "It'll go away by itself so why bother?" Sabi at tinapunan sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomansaWe're bestfriend and I'm his possession...