Chapter 20
I love you...
Napailing ako bahagya nang muling bumalik sa alaala ko ang narinig ko kahapon sa clinic. It really bothers me.
Di ko lang masyadong natatandaan kung iyon ngatalaga ang narinig ko o na misheard ko lang pero di ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag iniisip kong galing ang mga salitang iyon kay Michael.
Was that really Michael? Was that even real? Sa palagay ko, hindi. Baka hangin lang 'yun tapos nagdedeliryo lang ako dahil sa taas lagnat ko kaya ganun iyong nadinig ko.
Napabuntong hininga ako ng malalim kasunod niyon ang isang hikab dahil sa kakulangan sa tulog.
Sa sobrang kaiisip ko kasi ng mga salitang iyon, late na nga akong nakatulog tas maaga pa akong nagising. Kaya nga andito na ako papasok sa gate ng school namin kahit isang oras pa naman bago ang umpisa ng klase. Tsk. Buti nalang masarap 'yung iniinom ko na dutch mill. Narerefresh ako at nagigising kahit papaano.
I love you, I love you.. baka naman sa school nurse nya sinabi 'yon? Kaso di naman napatol si Michael sa matatanda. Oo, matanda na 'yung school nurse namin.
Ewan ko ba! Parang ang imposible lang kasing magsabi sya ng ganun. Tanda ko pa ang mga naging reaksyon nya dati nung tinanong ko sya kung bading ba sya. Halos magwala na sya sa galit. If I ask him again kung sya nga ang nagsabi 'nun, natatakot ako sa ire-react nya. Baka this time masapak na ako 'nun.
"HUY!" Nagulat ako nang bigla nalang may sumulpot sa likod ko at nang-alog sa balikat ko.
Nilingon ko naman kung sino iyon at sumalubong sa mukha ko ang nakangiting mukha ni Hikari. Muntikan ko pa syang hindi makilala kung hindi ko lang naalala 'yung make-over na ginawa namin ni Dark sa kanya.
"Y-You scared me." Nasabi ko nalang sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko. Natawa naman sya dahil sa naging reaction ko. "It's still early, bakit andito ka na?" Agad din na tanong ko.
"Ha? Di'ba nandito ka din?" Pilosopong sabi nya. "Saka, sadya akong ganito kaaga pumasok no? Hindi mo siguro napapansin dati dahil ang pangit-pangit ko." Nakangiting sabi nya habang iniikot-ikot ang laylayan ng buhok nya.
Natigilan naman ako sa sinabi nya at napakunot ang noo, "I never once thought that you are ugly, Hikari." Seryosong sabi ko dahilan para takpan nya ang bibig nya.
"Ohmyshii... I'm sorry." Tila nagulat na sabi nya pero nakangiti pa rin. "You don't want me to myself ugly, right? Ganyan din kasi ang reaction ni Kuya nung sinabi ko na pangit ako dati. He got mad at me." Paliwanag pa nya sa'kin at natawa.
Naguluhan naman ako sa ikinikilos nya. May kakaiba lang akong napansin sa kanya pero di ko matukoy ko ano. Dati kasi medyo mahiyain sya, palaging nakayuko, di makatingin ng tuwid sa mata ng tao at kimi lang gumalaw. Ngayon kasi ano, para syang naging... wild(?) ng konti. Is that a good thing?
Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil sa mga narinig ko sa kanya. Sigurado nga na magagalit sa kanya ang kuya sya. Ayaw nyang dina-down ni Hikari ang sarili niya. Kahit na madalas syang lukohin ng kuya nya pero halatang biro lang ang lahat.
Napailing nalang ako at di na umimik. Magpapaalam na sana ako sa kanya para pumunta ng room pero di ko na nagawa dahil nagtanong sya bigla sa akin.
"So, what about you? Bakit ang aga mo? I know. Hindi naman kasi kagaya ko, lagi kitang napapansin papasok dati dahil nags-stand out ang ganda mo. And this is not the usual time na pumupunta ka dito sa school." Sabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/50876674-288-k388346.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...