Chapter 4

90.6K 1K 119
                                    

Kath's POV


Tumunog yung bell.

"Class dismissed."  Sabi ni Ms Quinto.

Thursday ngayon at uwian na namin. Nag uusap kami ng barkada kung saan kami gagala syempre kasama si Michelle. Half day lang kasi kami ngayon sa school kasi may importante kasing meeting ang mga teachers kasi malapit na ang Foundation week namin.

"Sooo guys! Saan tayo gagala?"  Tanong sa amin ni JC

"Kain muna tayo nagugutom na ako."  Sagot naman ni Kats.

"Kailan ka pa naging busog?" Tanong ni Julia kay Kats.

"Kapag puputi na ang uwak!"  Sagot naman ni Kats kaya binatukan siya ni Julia.

"Aray naman hulya! Ang sakit 'non ah!?"

"Siyempre, may batok bang masarap. Ha!?" 

"Meron! Kapag nasa honymoon kayo!" 

"Ikaw- Yang utak mo ang dumi dumi na! Ipalinis mo na yan!"

"Wushooo, wag ka nga mag malinis. Mas marumi pa nga yang utak mo kaysa saakin eh." Aakmang susuntuking ni Julia si Kats ng pumagitna si Ella.

"Hep! Mamaya na yan! Punta nalang tayo ng mall. Libre ni DJ." Sabi ni Ella. Magrereklamo sana si DJ pero tumakbo kaagad kami palabas para hindi na siya tututol.

"ANG KUKURIPOT NIYO!"  Sigaw niya sa'min 'nong naabutan niya kami. Natawa nalang kami.

Habang nag lalakad kami sa hallway ng school ay namumulabog si Kats sa mga taong dumadaan.

"Como'n Bomonous Everybody let's go!

Come on let's get to it! I know that we can do it!

Where are we going!  *Clap*Clap*Clap*

To KFC!

Where are we going! *Clap*Clap*Clap*

To KFC!

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon