Katsumi's Special Chapter

90.3K 966 68
                                    

Katsumi's POV

 "Ganito kasi yon.. "


[Katsumi's 5yrs old ]


Nandito ako sa school kasama ang mama Archelle ko, hinahatid niya kasi ako sa first day of school ko.. Mangiyak iyak na nga siya eh...


"Anak mag ingat ka dito ha? Always remember na Don't talk to strangers."Mama


"Opo mama" Ako


"Ikaw talaga hon, kung maka pag paalam ka sa anak natin parang aabroad ka ah?" Papa Kensumi


"Manahimik ka nga diyan!" Binalingan niya ulit ako at ngumiti.  "Basta baby just tell the teacher if you need anything ok? Wag kang mahiya kasi alam kong hindi ka mahiyain, nag mana ka yata sa kakapalan ng mukha ng tatay mo"


Kita ko ang pagsimangot ni papa sa sinabi ni mama.


"Tara na nga marami pa tayong meetings" Nakasimangot na sabi ni papa.


"Sige. Bye baby! Si Yaya Tarantine at Kuya Joma ang susundo sayo ah? Sige ingat bye!" Hinalika ako ni mama sa ulo sabay kaway saakin.


Nagsimula na akong mag lakad palayo sa kanila. 


Nandito na ako sa harap ng classroom ko. Pero bago pa ako makapasok nilingon ko muna si mama at nag nagpaalam sakanya at kumaway naman siya pabalik. Tuluyan na akong pumasok sa loob. 


Pagkapasok ko ay puro iyak at tawa ang naririnig ko. Umupo na ako sa isang chair  at nilagay ko rin ang bag ko sa tabing chair ko. Favorite bag ko to, Spiderman. Pinabili ko pa ito ka mama sa mall. 


Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong may nanggu-gulo sa buhok ko. Lumingon ako at may isang batang babae na matangos ang ilong maputi ang balat at medyo brown ang buhok. Nung lumingon ako sakanya ay tumawa lang siya. Grabe ang cute niya may dimple siya sa pisnge niya. 


HIndi ko nalang siya pinansin at bumalik na sa pag muni muni. Pero maya't maya ay ginugulo nanaman niya ang buhok  kaya hindi ko na naiwasan ang paglingon sakanya dahil sa inis.


"Ano ba! Wag mo nga guwuyin ang buwok ko " Bulol bulol na sabi ko.


"Hehe sowy." Kumaway siya saakin at ngumiti. "Im Coleen."  Siya


"Im Katchumi." Tipid kong sagot.


"Fwends na tayo ah? Wala pa kachi akong fwend eh" Siya


"Chiige!" Maligayang sabi ko.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon