Chapter 26

89.1K 906 90
                                    

Julia's POV

Lunes ngayon at rest day namin mula nong Foundation week, sakto naman at exams na din namin this week kaya todo kayod na ako nito.


Nandito ako sa mall naglakad papuntang bookstore kasi may bibilhin ako.


Biglang nag ring ang phone ko kaya hinanap ko yon sa bag ko. Kalkal lang ako ng kalkal.


"Nasaan ba yon?" Hindi ko na namamalayan ang nilalakad ko kaya may nabangga ako.


"Nako! Sorry miss. Sorry hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Sorry talaga!"  Sabi ko. Siyempre naman mabait kaya ako.


"It's ok don't worry." Pinagpag niya ang damit niya at inayos ang skirt niya. 


Tinulungan ko siyang pulutin yong mga pinamili niya at binigay ito sakanya. Nginitian niya ako.


"I wasn't also looking at my way. Pasensya din." Nag ring ulit ang phone niya kaya napatingin siya dito at nilingon ako, "Sorry, kailangan ko nang umalis. Nice meeting you." Ngumiti siya saakin sabay alis niya.


Nakita ko na nahulog ang panyo niya kaya kinuha ko yon.


"Ms yung panyo mo!"  Hinabol ko siya.


Napatingin ako sa panyo niya at may burda niton 'Chumi' sa gilid.


"Ms!" Tinapik ko siya kaya napalingon siya saakin. 


"Yes?" Kitang kita ko sa mga mata niya ang iritasyon. 


"Yong panyo mo, nahulog." TInignan niya ang kamay ko at napasinghap siya at dalidaling kinuha ang panyo bago ako tinalikuran.


Ang taray naman non. First impression never last nga talaga.


Chumi... saan ko nga ba narinig yon?


Pinagkibit balikat ko nalang yon at tumalikod na para makaalis. Pero dahil sa tanga ako ay hindi ko namalayan na may makakasalubong na pala akosa pagtalikod ko.


"Ouch!" Ngumiwi ako dahil sa lakas ng pagkabangga niya.


"Ano ba naman yan ms tumingi--- JULIA!?" Tinignan ko yung lalaking bumunggo sa akin at hindi ko na naiwasan ang pag irap.


"DJ?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya saakin.


"Eh anong pake mo!?"  Aakmang tatalikuran ko na siya nang hinila niya ang braso ko at binalik ako sa kinatatayuan ko kanina.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon