Kath's POV
Buong linggo ay wala kaming ibang ginawa kundi ang ayusin ang booth namin. Kumakayod talaga kami para lang pagndahin ito. Kaya ganon nalang ang tindi ng saya namin nong natapos namin iyon at naging masaya sa naging positibong epekto.
Tiningan ko ang buong room namin at para talaga siyang simabahan. Malaki talaga ang pinagbago at sobrang saya namin. Yong dingding ay tinabunan namin ng mga white cartonila at ginawan ng paraang para magmumukha siyang ding ding ng simbahan. Yong ceiling namin ay may mga art art din don na mga diyos na makikita mo lang sa simbahan. Wala man kaming malaking krus tulad nong nasa simbahan pero may visual aid lang kami ni god na nasa harapan, pina tarpaulin namin at may mesa din don para sa pari. Sobrang ganda ng blend in ng mga kurtina, maganda ang choice of cloth. Yong mga upuan naman ay mga steele at may bulaklak sa gilid nito. Yong aisle ay napapalibutan ng bulaklak at may mga roses sa sahig namin. Sobrang ganda talaga.
Kaya nong nag lunes ay sobrang daming tao ang pumunta sa booth namin. Maraming nagpapakasal at yong ibang kaklase namin ay sobrang saya.
Papalit palit lang kami ng shift ni Kats minsan ako minsan siya naman. Kaya nong nag wednes day na ay hindi ko alam kung makaka kanta pa talaga ako kasi sumakit ang lalamunan ko sa kakakanta this past few days. Buti nalang at panghuling araw na namin ito sa mga booths.
Kaya puro si Kats na ang kumakanta, paminsan minsan nalang ako. Pinipilit pa nga niya na huwag na akong kumanta kaya tumigil nalang muna ako.
Tinignan ko siya na kumakanta sa harap habang tilian naman ang lahat ng tao dahil sa kilig sa mga kinasal.
Biglang tumabi si Dan saakin kaya nilingon ko siya.
"May kailangan?" Tanong ko at binuksan ang tubig ko para makainom.
"Uhh, oo sana." Ngumiti siya saakin. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot.
"Ano naman yon?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano kasi eh. Diba may cut off tayo na mga 4? Gusto ko sana ikaw ang kakanta sa huling couple." kumunot ang noo ko sa suhestiyon niya.
"Why?"
"Wala lang. Please?" Nag isip isip muna ako.
"Sino b.. ba ang huling couple?" Medyo nanginig pa ang boses ko.
Kahit hindi ko na itanong, alam ko naman kung sino ang panghuli.
"Ako at si Mich." Ngumiti siya.
I saw how his eyes sparkle by the mention of her name.
"Pero Dan may sakit ako eh. Baka hindi ko makanta ng maayos." Pagdadahilan ko.
Kita ko ang lungkot sa mata niya "Ah, ganon ba? Gusto ko kasi na ang bestfriend ko ang mismo kumanta eh. Pero sige, magpahinga ka nalang. Si Kats nalang siguro."

BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanficIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...