Chapter 19

90.7K 935 141
                                    

Kath's POV


Sabado ngayon at naisipan ng barkada na gumala sa mall. 


Naligo na ako at nagbihis na. Sinuot ko ang bagong ripped jeans na itim, isang puting loose shirt at red and white na vans. Nag polbo ako at nagsuklay ng buhok. Naalala ko pa ang mga bilin nina Julia saakin na dapat daw ako magsuklay palagi para maging maayos daw ang buhok ko.


Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at napatango nalang. Bumaba na ako at naabutan ko si mama at kuya don na kumakain.


"Good morning ma!" Bati ko sakanya sabay halik sa pisnge niya.


"Ako? Wala ba akong good morning? O kaya kiss man lang?" Tinignan ko si kuya at nakita ko siyang naglahad ng braso na parang nag aantay ng yakap.


Tumawa nalang ako at lumapit sakanya.


"Napaka tampuhin mo talaga. Good morning!" Bati ko sakanya sabi yakap at halik sa cheeks niya.


Umupo na ako sa harap ni Kuya at sinimulan na ang pagkain.


"May lakad ka ngayon na? Saan?" Tanong ni mama habang nilalagyan ng juice ang baso ko.


"Sa mall lang po ma. Kasama ang barkada." Tumango si mama at binilinan ako na wag maging makulit. Binigyan pa niya ako ng baon kahit na tinanggihan ko yon kasi marami pa akong baon eh



Nong natapos na akong kumain at nag tooth brush ay sakto naman ang pag dating nina Seth. Van kasi nila ang ginamit namin para nasa iisang sasakyan lang kami papuntang mall.


"Excited yata masyado yang mga kabarkada mo. O'siya alis ka na! Maga ingat ka ah?" Tumango nalang ako sa bilin ni kuya at lumapit sakanya para halikan siya sa pisnge.


Paglabas ko ay nakabukas na ang pinto ng van at nandon silang lahat naghihintay.


"Good morning KC!" Sabay na bati nilang lahat. 


Nakita ko ang pagtingin ni Dan sakanila ng masama.


"Diba sabi ko sainyo-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi pinutol na siya ng barkada.


"Na ako lang ang pupwedeng magtawag sakanya ng KC!" Nagtawanan kaming lahat at napailing nalang sa kakulitan namin.


"Tss." Yan nalang ang sinabi ni DJ sabay baling kay Mich.


Nawala bigla yong saya ko kanina. Sasama pala siya? Bakit walang nagsabi saakin?


"Tara na nga!" Sabi ni Mich. Nagkatinginan kami ni Ella at kita kita ko ang pag irap ni Julia.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon