Kath's POV
Naglalakad siya palapit, hindi saakin pero sa taong nasa likod ko.
Kinagat ko ang labi ko dahil may namuo nang luha sa mata ko.
"I thought you won't make it." Narinig kong sabi ni DJ sakanya.
"Wow Dj. Is this for me?" Narinig ko ang saya sa boses niya.
Tinig palang alam ko na akung sino. Of course Kath! Bakit mo nakalimutan! May Michelle pa Kath! WAG TANGA!
Yumuko nalang ako at umiling. Lumapit ako kina Julia.
"Kath..." Sabay na sabi nila.
Tiningan ko sila at nagulat sila kasi para gripo ang luha ko. Hindi na tumitigil sa pag buho.
Yumuko ulit ako at palihim na humikbi. Naramdaman ko ang pagkayakap ni Julia saakin.
"Bes I'm so sorry." Hinaplos ni Julia ang likod ko.
Buti nalang at medyo malay kami sa mga lalaki.
"This is what I told you guys." Umiling nalang ako at humiwalay sa yakap ni Julia.
"Okay lang ako. W-wag niyo akong alalahanin." Pinilit kong kumalma at lumapit na sa mga lalaki naming barkada.
"Uy! Ganda natin ah!?" Panunukso ni Seth saamin.
"Oo nga. Ang ganda ni Kath! Bagay sayo ang damit." Tinignan ko ang damit ko at ngumiti ng may pait. Nag pasalamat nalang ako kay JC.
Nagkatuwaan sila at nag kwentuhan nang biglang lumapit si Dan saakin at may binulong.
"KC, picturan mo kami ah? Para may remembrance ako." Umigting ang panga ko pero ngumiti din ng kalaunan. Nag thank you siya at lumapit na kay Mich ulit.
"Kath!" Alam ko na nakita nila yong pag tango ko sa request ni DJ.
Umiling nalang ako sakanila pero matigas ang ulo ni Ella at lumapit pa talaga saakin.
"Ano yan Kath? Martyr lang ang peg? Ganon?" Naiinis na sinabi ni Ella. Ngumiti nalang ako at bumaling na kina Dan.
Nakita ko na tumayo si Dan nong natapos na sila sa pagkain. Nilahad niya ang kamay niya kay Mich at tinanggap niya ito. Sumayaw silang dalawa.
Picture lang ako ng pictre kahit na masakit to saakin. Kahit na may kirot sa aking puso ay ginagawa ko pa rin.
Kasalanan ko to eh. Sana dineretcho ko nalang pala siya kahapon. Sana tinanong ko kung bakit niya ako binilhan ng damit. Kun gbakit niya ako pinapaunta dito. Ayan! Nasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...