Katsumi's POV
Masaya ako kasi gising na ako. Pero may mga bagay pa pala akong dapat ayusin bago ako naaksidente.
"K-kats..."
"Julia." Ngumiti ako sakanya.
"K-kamusta ka na? Ok ka na ba? Buti nalang at gising ka na."
"Buti nga eh."
Natahimik kami.
Gusto ko sanang sabihin sakanya ang totoo. Pero natatakot ako.
"S-sige. Labas muna ako ha? Mukhang nakalimutan ata ni Kath na tawagin yung doctor mo. Sige."
Papalabas na sana siya pero tinawag ko siya.
"Julia..."
"Hmm?" Nilingon niya ako.
At sana hindi ko nalang siya pinalingon, kasi nakita ko nanaman yung luha niya na namumuo sa mata niya.
"Julia, may sasabihin sana ako sa'yo."
"An-ano yun?"
Nagdadalawang isip pa ako.
Pero wala na akong magawa. Kailangan kong mag-risk.
"Tungkol sa huling pag-usap natin?"
Nakita ko na parang natigilan siya.
"A-ahhh. Ha-ha-ha-ha, yun? Wala na yun ano ka ba. Kalimutan na natin yun. Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin sakanya."
"Pero—"
"Sige, tawagin ko muna yung doktor mo."
May sasabihin pa sana ako, pero nakalabas na siya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Mali yung pagkaintindi niya eh. Hindi dapat ganon.
FLASHBACK
Nandito ako sa labas ng bar. Wala lang, naiinis kasi ako sa loob eh.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
Hayran KurguIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...