Kath's POV
Tssss. Pa'no ba 'to!? Ugh.
Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Marami kasi akong iniisip eh. Dan kasi eh, tss. Sana hindi mahalata ni mama at manang.
I sigh. Bumaba na ako at nakita si mama kasama si Manang Flor na naghahanda ng almusal.
"Goodmorning Ma. Goodmorning Manang Flor." Ako sabay kiss ng mga cheeks nila. Ngumiti lang si Manang Flor.
.
"Goodmorning din anak. Oh? Mukha ka atang matamlay? May sakit ka ba? Bakit namumugto yang mga mata mo?" Shit! Sabi nang wag kang matamlay Kath eh, ayan tuloy.
"Ahhh ito ba ma? He-he-he. Nagbabad kasi ako sa twitter kagabi eh, kaya matagal ako nakatulog. Hindi ko kasi namalayan yung oras eh. He-he-he." Masyado atang peke yung tawa ko.
Buti nalang hindi na nagtanong si mama at pumunta na sa kwarto ni Kuya para gisingin siya.
Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush na ako at nag paalam sa kanila.
Paglabas ko ng bahay ay pumunta kaagad ako sa bahay nina Dan. Nakita ko si TIta doon, nagwawalis ng bakuran nila. Parehong pareho talaga sila ni mama. Ayaw ng may maraming katulong sa bahay, hindi talaga mapapakali kapag hindi nakakapag linis.
"Goodmorning Tita!" Bati ko sakanya.
Nilingon niya ako at nagulat 'nong nakita ako."Oi! Goodmorning din anak!" Kumaway sa'kin si Tita kaya natawa ako. Ang bagets talaga niya.
"Uhhhh, tita si Dan po?"
"Nako! Natutulog pa siya Kath. Ewan ko sa batang yun, tulog mantika eh." Tumawa nalang ako. Nagpaalam nalang ako kay Tita at aakmang lalabas na ng biglang bumukas yung pinto nila.
Akala ko si Dan. Pero si JC pala.
"Oh Kath! Aga natin ah!?" Sabi ni JC habang inaayos yung bag niya sa balikat.
"Ay nandiyan ka pa pala JC. Akala ko umalis ka na, ang aga mo kasi 'nong isang araw eh. Buti nalang nandito ka pa. Sabayan mo na si Kath, ewan ko diyan sa kuya mo at internet ng internet. Kaya ayan! Hindi na naka gising. O'siya umalis na kayo kasi maglalakad pa kayo. Bakit ba kasi ayaw niyong macgsasakcyan eh." Napailing nalang kami ni JC sa talak ni Tita.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanficIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...