Kath's POV
Pagbaba namin ng van ay sinalubong agad kami ni Tita Karla.
"Nako buti naman at nakarating kayo ng safe." Bineso niya kami lahat.
Nung napalingon si Tita kay Mich ay nabigla siya.
"Oh! Are you Michelle? My son's girlfriend?"
"Yes po ma'm." Psh, may galang pala 'to?
"Nako! Don't call me ma'm. You can call me Tita Karla or Tita K!"
"Yes ma'm-- I mean Tita." Siya at ngumiti.
"Ok, so punta na kayo sa mga rooms niya at magpahinga na. Alam kong napagod kayo sa biyahe. Here's your keys. Magkita-kita nalang tayo mamaya, mga 2:00 pm." Siya at binigay na ang mga keys namin. Hiwalay kami ng kwarto.
"Magkakatabi lang yung mga rooms niyo. So I hope you'll enjoy your stay here. And Daniel, JC nandun lang ang papa niyo sa kwarto namin, nagpapahinga. Kararating lang niya din eh." Tumango lang si JC at Dan.
Umalis na kami pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay hinawakan ni Tita K yung braso ko.
"Bakit po Tita?" Nakakunot noo kong sabi.
"Just so you know. Ikaw pa rin ang bet ko para sa anak ko. Sige I'll go ahead. Paganda ka ha?" Siya at umalis na.
Habang iniwan niya akong namumula dito.
Nandito na ako sa room ko. Humihiga lang.
Grabe nakakapagod. Umaga palang pagod na'ko.
Tinignan ko ang phone ko.
May 2 messages.
___________________
From: Julia <3
Have a safe trip Kath! I'm with the girls, nag-sleep over kami dito sa bahay ni Yen. We wish you were here. Anyway, goodluck! Sana marunong ka na'ng mag-ayos ng sarili mo. Hahaha Joke lang. Sige we can't wait for you to come back. Take care always :*
____________________
To: Julia <3
Awwww. Nakakainggit naman. I miss you and the girls already. Don't worry I'll take care everything. You too. Ingat kayo palagi diyan.
_____________________
Nag reply lang siya ng happy face.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
Fiksi PenggemarIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...