Katsumi's POV
Okay, balik school nanaman tayo.
Wala namang masyadong nangyrai noong weekend kasi pagod kaming lahat, at pareho pareho naming gustong magpahinga.
"Ok guys! I want you all to copy this notes para may maaral kayo for you exams this wednesday."
Oh! Nasabi ko sainyo na hell week namin ngayon!? Uggggh, aral nanaman. Pero bawi naman kasi next week, it's the preperation for sports fest! Kaya, YES!
Nagkopya lang kami hanggang magring ang bell.
Lumabas na kami ng room.
Pansin ko naman si Madam, tulala.
Ano nanaman ba nangyari dito?
Nilapitan ko siya at tinakpan ang mata niya.
"Hulaan mo kung sino." Medyo nilakihan ko yung boses ko para hindi niya ako makilala.
"Sino ba to? Uhhh, Lord? Kinukuha mo na ba ako!?"
Binatukan ko siya.
"Aray naman! Kung makabatok naman 'to! Nagjo-joke lang eh."
"Nye nye nye. O siya kalimutan mo na yun! Ano bang problema mo?"
Tumingin siya sa paligid at sakto namang wala nang tao kaya hinigit ako at napunta kami sa rooftop.
Umupo siya sa malapit na bench.
Tumabi ako sakanya.
"Oh, ano nanaman ba ang problema mo?" Ako.
"Kats, its about Mich and Dan."
"Ano nanaman ang meron sakanila?"
"Promise me na wala kang pagsasabihan."
Kumunot ang noo ko.
"Sa dinami daming sikreto na sinabi mo sa'kin. Ngayon ka lang nagdududa?" Napakamot naman siya ng ulo niya.
" Ehhh. Basta! Nakapaka controversial na issue nito eh."

BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanficIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...