Kath's POV
Pagkalapag palang ng cheesecake sa mesa namin ay kaagad ko itong nilantak.
"Oy! Madam, dahan dahan lang, hindi ka mauubusan." Pang aasar ni Kats saakin.
Inirapan ko siya at kahit na puno ang bibig ko ay sinagot ko siya, "Wag ka ngang mangachar!"
Tumawa siya, "Ang cute mo." Ginulo niya ang buhok ko. TInignan ko lang siya ng masama at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
Pagkatapos kong umubos ng dalawang cheesecake ay tumayo na kami para makapaglibot libot sa buong mall.
Kita ko mula dito sa kinatatayuan namin ni Kats na magkahawak kamay sina Dan at Mich. Humarap sila saamin na ganon ang posisyon.
"Guys! Libot muna kami ni Mich ah? Text text nalang tayo kung saan tayo magkikita." Dan.
Kita ko na tinignan ako ni Mich na may pang aasar sa labi niya. Kinunotan ko nalang siya ng noo at inirapan. Akala niya ah?
Nagkahiwalay na kaming lahat. Kami ni Kats ay naglakad lakad lang para gumaan yong tiyan namin. Sa dami ba namang kinain namin kanina.
Magkatabi lang kaming naglalakad nang napadaan kami sa isang electronic shop at nakita ko doon ang isang camera na vintage. Hinampas ko ang braso ni Kats at tinuro yon.
"Kats! Ang ganda oh! OMG! Matagal ko na tong pinapangarap!" Pumasok kami sa loob at nagtanong sa isang babae, "Ate pwede ba matignan yon?" Sabi ko sabay turo sa camera na kinaiinggitan ko kanina.
Kinuha niya iyon at pinakita saakin. Tinignan ko iyon ng mabuti. Tinanong ko ang presyo at napasimangot nalang sa price.
"Ang mahal naman. Nag iipon kasi ako eh kaya hindi ko 'to basta bastang bilhin." Sumimangot ako lalo. Bigla iyon nawala sa kamay ko at nakita ko si Kats na lumapit sa sales lady.
"Ate meron po bang hindi display nito? Kukunin po namin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dali dali akong lumapit sakanya at hinampas siya sa braso.
"Hoy, anong ginagawa mo?" Tinignan ko siya na kumukuha ng credit card mula sa bulsa niya.
"Ano pa? Edi bibilhin ko tong camera na to. Ano bang kulay ang gusto mo?" Kumunot ang noo ko.
Binalewala ko yong tinanong niya, "Bakit mo naman yan bibilhin para saakin?"
"Remember? Diba pinangakuan kita noon na bibilhin kita ng ganito?" Ngumuso nong naalaala ko yon.
"Joke lang naman yon eh." Nanghina ang boses ko. Hindi naniya ako pinansin at tinanong ulit ako kung anong kulay ba ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...