Kath's POV
Tuesday ngayon at walang klase. Kasi bukas na ang field trip namin.
Pupunta kami ng barkada sa mall ngayon. Bibili lang kami ng mga snacks at gamit para sa field trip namin.
Papunta na ako sa bahay ni Kats.
Matagal kasi kumilos si Kats eh, kaya ako nalang ang pupunta. Wala kasing susundo sa'kin. Kasi siyempre.... Anong gusto niyo si Dan ang sumundo sa akin? At ano? Mag kasabay kami ng jowa niya? Hah! No way.
Nandito na ako sa harap nang bahay nila Kats. Bago man ako makapag door bell eh lumingon muna ako sa bahay nila Bes. Magkatapat lang kasi si Ella, Kats, at Bes ng bahay.
Mukhang nakaalis na si Bes. Kaya nag door bell na'ko sa bahay nila Kats.
Sampung bese ako nag doorbell sa bahay nila Kats. Wala lang, pang asar lang.
Lumabas na si Kats na naka simangot.
"Oh? Ngayon ka lang naka pindot ng door bell?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Tara na nga!" Sumakay na kami sa sasakyan nila at pumunta na ng mall.
Pagdating namin sa mall, eh ayun! Ang mga girls eh diretcho sa mga shops.
Ang hilig talaga nila mag-shopping.
"Oh? KC hindi ka ba sasama sakanila?"
"Hindi naman ako marunong mamili nang damit eh kaya sila nalang."
"Ahhh. Oh ikaw baby? Hindi ka ba bibili?"
"Bibilhan mo'ko baby?" Michelle.
"Oo naman halika!" Dan, sabay hila kay Michelle papunta sa isang shop.
Ako at si Kats nalang ang naiwan.
"Madam. Iba talaga ang kutob ko sa babaeng yun eh. Parang ginagamit lang niya si Dan. Yung gold dogger?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Gold DIGGER, hindi DOGGER! Tanga!"
"Oh, sorry poooooooooo!" Siya. Sinunod niya yung bow ni chichay sa Got to Believe. Ang cute kaya nun.
"Hahahaha! Wag ka nga! Ang panget mo tignan! Halika na kain nalang tayo!"
Sasagot na sana si Kats nang may biglang sumingit.
"Hep! Bago ka sagutin ng kutong lupa na yan Kath! Sama ka sa'min, e bibili ka namin ng sandamakmak na gamit! Pag selosin natin si Dan! Hah! Tignan natin kung sino ang pipiliin niya." Lumingon ako sa nagsalita, si Julia pala.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...