Chapter 17

83.8K 988 139
                                    

Kath's POV

 

Ngayon na ang balik namin sa school at medyo kinakabahan pa ako. Wala akong kasama ngayon kasi nong pumunta ako sa bahay nina Dan ay nakaalis na pala siya. Oo nga pala, nakalimutan ko na may girlfriend na ang bestfriend ko. 


Napailing nalang ako sa naisip ko at pumasok na ng gate. Pagpasok ko palang ay pinagtinginan na ako ng mga tao. Medyo nahiya ako at yumuko para iwasan ang mga tingin nila. Rinig ko pa ang mga bulong bulongan nila kaya lalong namula ang pisnge ko.


"Hey! New student siya?" 

"Teka familiar siya eh." 

"Oo nga no?"  

"D..diba si Kathryn Bernardo yan? Sabi ko na nga ba eh pag ayusan siya ang ganda ganda niya."

"Oo! Siya ng! Grabe ganda ganda niya!"

"Agree!"


Nahiya naman ako sa mga pinagsasabi nla kaya medyo binilisan koa ng paglakad ko. Pero rinig na rinig ko talaga ang mga bulungan nila kaya pinili ko nalang na wag pansinin yon at nagmadalin umakyat sa hagdan.


'Nong nakarating na ako ng room ay pinagtinginan kaagad ako ng mga tao. Kita ko pa ang pag lapit ni Lester saakin.


"Ms? Familiar ka, nakita na ba kita noon?" Ngumuso ako para iwasan ang pagtawa dahil sa inasta ni Lester. 


Grabe, imposible naman na hindi niya ako nakilala.


Narinig ko ang bulong bulungan ng mga kaklase ko. Dahil sa ingay nila ay napalingon si Julia saakin na mukhang ngayon lang nalaman ang pag dating ko.


"Oh Bes! Halika na! Akala ko aabsent ka ngayon eh." Tumawa si Julia at tinawag pa ulit ako nina Ella.


"Kath! Upo ka na dito! Hindi ka na nakasali ng flag. Halika na, baka dadating na yon si Sir Billy eh." Sabi ni Ella. Tumango na ako at naglakad papalapit sakanya.


Kita ko ang pagkamangha ng mga kaklase ko. Naiilang ako sa mga tingin nila. Lalong lalo na siya, Oo! Nakatingin siya! Nagagandahan ka na ba sakin, Dan? Sana, para hindi masayang ang effort nina Julia saakin.


"Wow, Kath. Ikaw ba talaga yan?" Namamanghang tanong ni Lester nong umupo na ako sa silya ko. 


Nahihiya akong ngumiti sakanya at tumango.


"Ang ganda mo. Bakit mo naisipang mag ayos?" Tanong ni JC.


"Uh, just trying something new." Maliit ang boses ko dahil sa hiya.


"Alangan namang something old, diba?" Narinig kong bulong ni Kats kaya hinampas ko siya ng malakas sa braso niya. Napa aray naman siya kaya natawa nalang ako.


"Wow madam! Nag bagong look ka nga pero wala ka pa ring ka poise poise!" Nag tawanan lahat sa sinabi ni Kats saakin. Inirapan ko nalang siya at ngumisi.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon