Kath's POV
Its 4:00 in the morning. Maaga kasi kami aalis eh. At tsaka nauna na sina Tita Karla kahapon.
Tungkol naman sa shopping namin ng mga girls kahapon. Wala naman masyadong nangyari. Konting pakilala at kamustahan.
Nandito kami ni Dan sa van, hinihintay namin si JC.
"Dan, matagal pa ba si JC?"
"Ewan ko, sige puntahan ko na muna ah?" Tumango ako.
Mga ilang minuto lang ang lumipas at dumating na sila, nasa may likuran ako at tinabihan ako ni JC.
"Manong daan muna tayo kina MIchelle." Dan.
"So sasama talaga yung mala-- babaeng yun?" JC.
"Oo. Sabi nila mama diba?"
"Psh." Siniko ko si JC.
"Ano bang problema mo?" Bulong ko kay JC.
"Ayokong makasama ang malanding yun sa iisang lugar. Baka mahawa pa ako sa sakit niyang kalandian." Hinampas ko nalang siya at tumingin sa bintana.
Nandito na kami sa tapat ng bahay ni Mich. Bumaba si Dan at sinalubong ni si Mich. Nakita ko namang nagpaalam si Mich sa nanay at tatay niya. Lumingon sila sa gawi namin.
"Goodmornig iho, iha!" Bati sa'min ng nanay ni Mich.
Nag goodmorning lang kami ni JC.
Nung sumakay si Mich ay may inabot siya sa'min.
"Ito oh, pandesal. Pinapabigay ni mama. Baka kasi wala pa kayong agahan." Inabotan niya si Dan.
"Naku! Nag abala pa si Tita. Sige salamat." Ngumiti lang si Mich.
Inabotan ni Mich si JC.
"JC, ito oh. Pandesal." Tinignan siya ni JC.
"Ayoko, busog pa'ko. Baka may lason pa yan eh." Siya.Binulong niya ang pang huli. Kaya kinurot ko siya.
Tinignan niya ako ng masama, sinuklian ko naman siya. Tinalikuran nalang niya ako at natulog na.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...