JC's Special Chapter

91.2K 841 60
                                    

Dedicate to you!! 

@ChAiRaf_PaulsOn30

Na-touch talaga ako sa sinabi mo sa akin last chapter :)

This is for you!!!

And also guys!! Please support my one-short story about Kathniel.

Enjoy! :)

_______________________

JC's POV


"Gabby.." 


By saying her name, napapangiti na ako. Bigla kong naalala ang unang naming kita at kung paano ko siya niligawan.


FLASHBACK

(AN: 1st year highschool po sila dito. Mga kalagitnaan ng school year.)


Tumatakbo na ako papuntang room kasi late na ako. Ang magaling kong kuya kasi eh hindi ako ginising, sabi ni mama maaga umalis kasi pinuntahan si Kath. 


Nasa hallway na ako wala nang masyadong tao kaya binilisan ko na ang pag takbo ko. Hindi ko na piangtutuunan ng pansin ang paligid ko kasi palagi lang akong sumusulyap sa relo ko dahil sa takot na baka mapagalitan ako ng susunod naming guro.


Kaya sa sobrang balisa ko ay hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.


"Shit. Sorry ms, sorry talaga hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry talaga." Tinulungan kong pulutin yong mga gamit niya. Napasulyap ako sakanya pero hindi ko nakikita masyado ang mukha niya kasi natatabunan ito ng buhok niya.


"Ano ba yan! Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo eh!" Naiinis niyang sabi habang kinukuha yong mga napulot ko mula sa mga kamay ko.


"Sorry talaga! Nag mamadali na kasi ako eh. Late na ako."  Pagpapaumanhin ko sabay tayo.


"Psh sa susunod kasi-" Napatigil siya nong tumingin siya sa akin. Ako rin napatigil nong nakita ko siya. Ang ganda niya, parang tumigil ang mundo ko. Nakakaspeechless ang kagandahan niya. 


Umiling ako at nginitian siya.


"S-sorry talaga. Hindi ko kasi sinasadya eh."


Kita ko ang pamumula ng pisnge niya. "O-ok lang." Tinignan niya ang uniform niya, napatingin din ako dito at nakita na natapunan ito ng dumi.


"Teka lang, may-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi tumunog na ang bell, hudyat na recess na namin.


Napamura ako at napakamot sa ulo. Absent ako ng dalawang subject.


Kita ko nanaglabasan na ang gma estudyante sa mga classroom nila.


"Alis na ako ah?" Aakmang aalis na siya nong hinawakan ko ang braso niya.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon