Chapter 7
Meet Jamie
Shayne's POV
Kinaumagahan, naghanda na ako para sa klase. Nagbreakfast at sabay na kaming pumnta ni papa sa school.
Pagdating ko sa classroom, umupo agad ako. Buti na lang wala pa yung mayabang na yun. Pagnakikita ko ang mukha niya, sira na agad ang araw ko. Nagbasa muna ako ng libro habang hinihintay yung teacher namin. Maya-maya dumating na ang teacher namin. Ang tagal kasi!
"Good morning class."sabi ni ma'am.
"Good morning ma'am"bati namin.
"Okay class get your book in english."sabi ni ma'am.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay dumating si Steve. Himala late ata.
"Good morning Mr. Gonzales. First week of school pa lang may late record ka na agad. Sa susunod mo wag mo nang uulitin."sabi ni ma'am kay Steve.
"Yes ma'am."
Pagkatapos nun ay umupo na siya sa upuan katabi ko. Maya-maya may sinabi siya sakin na ikinagulat ko.
"Humanda ka sakin. You're freakin dead."
Ano namang kayang pinagsasabi-sabi nito? Para 'tong ba----
Oh my god.
Don't tell me.....
Siya yung nagtext sakin kagabi! Confirmed nga! Naku! Lagot ako! Kinakabahan na ako. Magkatabi pa kami. Pinatuloy ko lang ang pagsusulat ko at pakikinig kay ma'am.
"Sinong kausap mo?"tanong ko sakanyang painosente na di tumutingin sa kanya.
"Sino pa ba? Edi ikaw. Matapos nung ginawa mo sakin. Patay ka talaga sakin."pagbabanta niya.
"Ginawa ko lang yun kasi ang yabang-yabang mo. Akala mo kung sino ka. Eh nakakasawa ngang tingnan yang mukha mo eh."dyusko saan kp ba nahuha ang mga salitang iyon? Lagot na talaga ako kay Steve!
"Humanda ka na talaga sakin panget. Lalo tuloy akong gaganahan sa paghihigante sayo."sabi niya sabay nakakalokong ngiti.
Sheez. Kahit nakakalokong ngiti yon, ang gwapo pa rin niyang tingnan! Pero kahit na! Nakakabwisit ka pa rin. Ang hangin-hangin mo!
"Talaga? Sabihin mo na lang para makahanda ak--"hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita si ma'am.
"Ms. Ramirez, is there any problem? Kinana pa kitang nakikitang nakikipagdaldalan kay Mr. Gonzales."sabi ni ma'am.
"Wala naman po ma'am. May tinatanong lang po ako sa kanya."pagsisinungaling ko.
Dyusko. Baka mabuking ako ni ma'am! Baka kasi ang lakas ng boses ko!
"Hindi po yun totoo ma'am. Pumaparaan po siya sakin kasi may gusto siya sakin." What?! Ano namang pinagsasabi-sabi mo diyang hangin ka? Ang kapal!
Ang mga kaklase namin ay nagtatawanan tapos may mga ibang babae na ang sama-sama ng tingin sakin. I heard some harsh words tungkol sakin.
"Omg!"
"Eewww. Kadiri!"
"Yuck! Ang panget niya kaya!"
"Isang nerd maiinlove sa Prince Steve natin? Gosh."
"Ako maiinlove sa katulad mo? Wag na lang." Ang kapal naman nito!
"Wag ka nang mahiya. Alam ko namang may hidden desire ka sakin." Duh. May nalalaman ka pang hidden desire diyan.
"Asa ka naman! Uhmm ma'am, wag niyo pong pansinin yan. Masyado po kasing papansin. Kanina pa nga pong bulong ng bulong sakin na nakakairita daw yung lessons niyo." *smirks" akala mo ikaw lang ha. Ako rin kaya. Bwhahahahah.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...