Chapter 12Free Hugs and Kisses
Shayne's POV
Nandito kami ni Jamie sa garden, nagbabasa ng notes. Maya-maya nakaramdam ako na parang gusto kong pumunta ng cr para umihi.
"Uy Jamie, punta muna ako ng cr. Naiihi ako eh." Sabi ko kay Jamie. Aalis na sana ako pero may sinabi pa sakin si Jamie
"Ay sasama ako."sabi niya. Tumayo na siya." Huh? Bakit ka naman sasama? Diyan ka na lang."sabi ko.
"Dali na. Sama na ako."
"Bakit naman kasi?" Bakit niya pa gustong sumama? Ano ako? Bata?
"Eh malay mo nandun sina Charlize. Uupakan ko yun pagnakita ko yun." Aba! Palaban na siya ahh!
"Ay wag na. Pano pagwala siya dun?"tanong ko sakanya.
"Edi wala. Wag nating pilitin ang wala."
"Wew. Humuhugot ahh. Parang si Steve ah." Ay teka bakit ko siya biglang naisip? Nakakadiri.
"Syempre naman. O sige na nga. Bilisan mo lang ahh. Pagtumagal ka pa, susundan na kita." Umoo na lang ako. Hahaba pa ang usapan. Pagdating ko sa cr wala namang tao. Pumasok na ako sa cubicle. Pagkaupo ko sa toilet may narinig kong nag-uusap.
"Damn that ugly nerd."sabi nung babaeng nagsalita.
"Sinong ugly nerd? Yung Shayne ba?"sabi nung isa pang babae. Wait. Parang pamilyar ang mga boses nila. Ahh! Sina Charlize!
"Sino pa nga ba? I hate her!"sabi ni Charlize.
"Yeah! Me too! Pansin ko kasi na palagi niyang kausap si Steve mo."sabi ni Bliss. Ha! Ako palaging kausap si Steve. Kung alam niyo lang na siya kumakausap sakin. Di ko naman siya pinapansin. Ang hangin kaya nun!
"At mukhang hindi lang kay Steve. Mukhang pati na rin kina Timothy! Mukhang nilandi niya sina Timothy!"boses naman ni Meghan ang narinig ko. Ha! Ako?? Nilalandi sina Timothy? Hell. Bakit ko naman lalandiin sila? Bakit? May gusto ba ako isa sa kanila?
"Hinding-hindi ko siya hahayaan! Lalo na kay Prince Jhaye ko!"sabi ni Aya. Hoy para sabihin ko sayo Aya, di sayo makakagsuto si Jhaye! Ang sungit-sungit kaya nun. Parang may PMS araw-araw.
"Subukan niya lang talagang landiin si Steve malalagot talaga siya sakin."sabi ni Charlize. Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na sila. Pagkalabas nila, lumabas na rin ako sa cubicle. Napaisip naman ako sa mga sinabi nila sakin. Ako? Lalandiin sila? Look whose talking. Eh mukhang sila pa nga itong lumalandi sa kanila eh. Ay nako. Umalis na lang ako.
Bumalik na ako sa garden. Hinihintay na ako ni Jamie dun."O bakit ang tagal mo?"tanong naman ni Jamie.
"Ah wala. Marami kasing gumamit kaya natagalan ako."pagsisinungaling ko. "Ahh okay." Haay salamat naniwala naman. Hindi ko na sinabi sa kanya yung narinig ko kina Charlize. Tiyak susugod yun. At mabuti nga di ko na siya pinasama.
Pagkatapos ng pagtatambay namin, bumalik na kami ng classroom. Puro lessons lang naman ehh. Eh eto namang katabi ko parang di naman nakikinig ehh. Pagkatapos ng dalawang subject, pumunta ako ng locker room. May kukunin lang kasi ako. May konting estudyante ang naroon. Habang naglalakad ako papunta sa locker bigla akong nadapa. Napatingin naman ang mga kapwa estudyante ko sakin. At ang malala pa, tinawanan pa ako!
"Ouch"sabi ko ng mahina. Ang sakit ng tuhod ko. Habang hinihimas-himas ko ang tuhod ko sa pagkakadapa napansin kong may lubid na parang transparent. Kulay puti. Kaya naman pala ako nadapa ehh! Di ko nakita! Eh ikaw kayang madapa sa lubid na kulay puti. Siguradong makikita mo yun promise. Langya! Sino ang may gawa nito?!
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Novela JuvenilMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...