Chapter 20Brother
Shayne's POV
"Ohh. Henry magkakilala pala ang anak natin."sabi ng papa ni Steve.
"Magkaklase po kasi kami."sabay naming sabi ni Steve. Napatingin naman kami. Okay.. Parang ang akward.
"Ahh hehe. Pansin nga namin eh. Naka-uniform pa nga kayo. Sabi nung mama ni Steve. Ay oo nga. Naka-uniform pa kami.
"Okay. Let's start eating."sabi ni papa. Nagsimula na kaming kumain. Ganito ang seating arrangement namin.
Sven Sally/mama ni Steve Steven/papa ni Steve
Steve ako Papa
Oh diba? Ang ganda ng seating arrangement namin. Katabi ko pa siya! Tsk! (A/n: Guys sorry po kung napapangitan kayo sa binigay kong seating arrangement.)
"So, kamusta naman ang pagiging doktor niyo? "Tanong ni papa.
"Ayun, sobrang busy kami. Ang dami ngang pasyente dumadating."sagot nung mama ni Steve. Ang ganda ng Mommy niya, ha. Ang ganda ng lahi nila! Yung papa niya gwapo, yung mama niya maganda--este dyosa tapos yung kapatic niya sobrang cute. Pero siya...nevermind. Haha!
"Eh ikaw? Alam naman namin na ikaw ang principal ng eskwelahan mo. How is it going?"tanong ng papa ni Steve pagkatapos uminom ng softdrink.
"Nako, sobrang busy ko din. Ang daming reports na kailangang ipasa. Kaya medyo late na akong matulog."papa said. Oo. Sobrang busy si papa sa trabaho niya bilang principal ng school. Medyo late na talaga siyang matulog. Ngayon ko nga lang nalaman na ang hirap talaga ng trabaho ni papa. Eh syempre nasa ibang bansa naman ako noh. Kasama ko naman doon si mama dahil may negosyo siya doon.
"Ahh."nakangiting sabi nung papa ni Steve.
Napatingin naman yung mama ni Steve sakin. "Ang laki ng anak mo Henry. Iha, what's your name?"
Tumingin naman ako sa kanya. "Uhm, Shayne po."nahihiya kong sabi.
"Ang cute naman ng name mo iha."sabi niya. Ay. Mukhang naflattered naman ako dun. Haha!
"Ay, syempre! Nagmana ata sa tatay."pabiro ni ni papa. Natawa naman kami doon.
"Ewan ko sayo, Henry."sagot ng mama ni Steve tapos kumain na siya.
Tumingin akong pasimple kay Sven na kumakain ng spaghetti. Waaahhh! Kahit kumain siya, ang cute na pa rin! Nung pagkasubo niya ng pagkain niya, nadumihan ang gilid ng labi niya. "Ang dumi mo talagang kumain. Tissue oh."biglang sabi ni Steve. Hindi naman napansin yun ng mga magulang nila dahil busy silang makipagchikahan. Binigyan niya naman ng tissue si Sven. Aba. Caring siya sa kapatid niya.
Pinunasan ni Sven ng gilid ng labi niya. May tinanong ako kay Steve. "Steve, ilang taon ka na ba?"
Tumingin naman siya sakin. "16. Bakit?"sagot niya.
Ahh. Magkasing-edad lang pala kami. Maya-maya natapos na kaming kumain. Si papa, ayun hindi pa rin tapos makipagdaldalan sa parents nina Steve. "Mommy, can I buy someting?"sabi ni Sven.
"Sige. Magpasama ka na lang kay kuya Steve mo."kumuha na siya ng pera sa wallet niya. "Steve, bantayan mo yang kapatid mo ahh. Umuwi na lang kayo. Baka kung ano pa ang bilhin ni Sven. Dala mo naman ang kotse mo."dagdag niya pa.
"Shayne, pwedeng sumama ka na lang sa kanila? Magkukwentuhan pa kasi kami dito."sabi ni papa.
"Oh sige po." Tumayo na ako dala yung bag ko. Pumayag na lang ako. Kung hindi naman siguro ako sasama, mabobored lang ako dun. Kung ano-ano pa ang pag-uusapan nila. Humingi na lang ako ng pera kay papa. Malay mo, baka may mabili ako.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...