Chapter 57
Letter
Xandra's POV
"Ang cute talaga ng aso mo, Shayne." narinig kong sabi ni Jamie.
Andito siya sa bahay namin, tumatambay. Wala raw siyang magawa sa bahay nila. Sawa na raw siyang tulog-kain-internet sa bahay. So dumiresto siya dito sa bahay ng hindi ko alam.
Naghahanda ako ng meryenda namin. I will cook spaghetti. Pinapakuluan ko na ang pasta. I sliced garlic and onion para sa sauce.
"Ang mahal naman ng regalo sa'yo ni Timothy. Halatang pinaggastusan." sabi niya.
Nakita kong nilaro-laruan niya ang aso ko. Lalake ang aso. Maamo naman siya at minsan makulit. Nung isang araw, nilagay ko ang isang pares ng medyas ko sa sofa. Pagkabalik ko pagkatapos magtoothbrush, nakita ko na lang na kinakagat-kagat at nilalaruan ang isang medyas ko. Halos hindi ko na makuha dahil sa hinahabol ko ito. Pagkakuha ko may butas na ito. Wala na akong nagawa kundi kumuha ng bagong medyas.
"Ano nga ang pangalan nito?" sabi niya habang hinahagod ang balahibo nito.
"Oreo."
Yan ang pinangalan sa aso ko. Sakto kasi na may kinakain akong oreo habang nanonood ng tv. Tapos tumahol siya at napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kinakain ko habang nakalabas ang dila. Binigyan ko kasi parang gusto niya. Hanggang sa humingi pa siya ng ilan.
"Hello Oreo! Ang cute mo talaga!" puri ni Jamie habang nakakandong ito sa kanya.
Tinahulan ng aso si Jamie. The dog lick Jamie's face while wagging it's tail. Mukhang masaya ang aso ko dahil sa sinabi niya.
"Kadiri!" sabi niya habang pinupunasan ang pisngi niya. "Pasalamat ka cute ka kung hindi..."
Kumuha ako ng pasta at pinutol ito. Kinain ko ito kung tama na ba ang lambot. Nung tama na ang lambot pinatay ko ang stove. Kumuha ako ng strainer at nilagay sa lababo. Binuhos ko doon ang pasta hanggang sa maubos ang tubig.
Sinunod ko na ang pagluto ng sauce. Naggisa ako ng bawang at sibuyas. Sinunod ko na ang corn beef pagkatapos nilagay ko na ang spaghetti sauce.
"Bakit ka nga pala dito mo naisipang tumambay? Malapit naman ang bahay ni Bryan sa inyo..." sambit ko habang hinahalo ang niluluto ko.
Hindi nagsalita si Jamie. Pagtingin ko, there is pain on her face.
"Mas gusto ko dito sa inyo..." mahina niyang sabi. "Bakit? Ayaw mo bang andito ako?" nagtatampo niyang tanong.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Alam kong nagpapanggap siyang nagtatampo para matago ang sakit na nararamdaman niya.
"Iniiwasan mo ba siya?"
Her faced turned serious. Iniwas niya ang tingin sakin at inabala ang sarili sa aso. Kahit hindi ko sabihin ang pangalan ng sinasabi ko, alam na ni Jamie.
"H-hindi ah..." pag-iiwas niya.
"Huwag ka nang magsinungaling. Nahahalata kita."
Huminga siya ng malalim."Ano naman kung iniiwasan ko siya..." mahina niyang sabi habang nilalaro ang aso ko.
"Bakit mo siya iniiwasan? May problema ba?" tanong ko.
"Huwag mo akong intindihin, Shayne. Hindi na yun importante." Tumayo siya. "Kamusta ang niluluto mo?" sabi niya habang nakatingin sa niluluto ko.
"Don't change the topic, Jamie." Pinatay ko ang stove at humarap sa kanya. "Bakit mo siya iniiwasan?"
Umupo siya siya sa silya. Naupo naman ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...