Chapter 60
Officially
Xandra's POV
"Is everything okay?" tanong ko kay Timothy.
"Oo. Okay na ang lahat." sagot niya.
Andito kami sa school grounds. We arranged everything, from the lights and decorations. Dali-dali kaming pumunta dito. While Steve is busy talking with Jhaye, I grab the opportunity to go to Timothy and pull him outside the gymnasium. I turned my phone into silent mode para kung tawagan niya ako, hindi niya ako matawagan.
"Are you sure about this?"
Napatingin ako kay Timothy dahil sa tanong niya. Nakaupo siya sa may fountain at napatingin sakin. He asked that seriously.
"Oo. It's now or never. Ito ang naisip kong araw para gawin na sa kanya." sagot ko.
This is the best day to do the second part of the plan. I will make sure that this will be his worst prom and of course, the worst day of his life.
May narinig kaming mga yapak malapit samin.
"Asan na ba siya?"
Narinig namin ang boses ni Steve. Sabi na nga ba, hahanapin niya ako. At hindi ako nagkamaling nakarating siya dito.
"Let's do this..." mahina kong sabi kay Timothy.
I took a deep breath. Sana magawa namin.
"Oh my gosh! It's so beautiful here!" sabi ko nang tinitingnan ang paligid.
"Nagustuhan mo ba?" nakangiting sabi ni Timothy habang nakapamulsa.
"Oo naman! Ang ganda pala dito! Salamat sa pagdala sakin dito." nakangiting sabi ko.
Lumapit ako sa fountain. I run my fingers in the water. Ang lamig ng tubig.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. This is for you. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa'yo, diba? Kasi ganun kita kamahal..." narinig kong sabi ni Timothy.
Palihim akong napangisi. This is going to work. Sinasakyan ni Timothy ang mga sinasabi ko.
Lumapit si Timothy sakin. Medyo nagulat ako nang hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Mahal na mahal kita, simula pa lang. I can do anything for you. I'll prove that to you." sabi niya nang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero parang sandaling napako ang tingin ko sa mga mata niya. His eyes are full of emotions. Kung hindi lang ito pagpapanggap na ginagawa namin, naniwala na ako sa kanya. It's like he is too sincere to his words.
I tried to smile. Para mas magulat si Steve sa nakikita niya, I come closer to Timothy and I kissed his cheek.
Sa ginawa kong iyon, nagulat siya. Medyo namilog ang mga mata niya.
"Yes..." sabi ko.
"What?" medyo naguguluhan niyang sabi.
Huminga akong malalim at sinabi ang mga katagang ito.
"It's a yes. Sinasagot na kita..." nakangiting sabi ko.
This is all his plan. Nung inamin niya sakin na mahal niya ako at gusto niya akong tulungan, ito ang sinabi niyang plano. Maganda ang plano pero halos hindi ko na siya payagan. Sasaktan niya ang kaibigan niya at magtatraydor siya. Pero wala na rin akong nagawa kundi payagan siyang gawin ito.
"T-talaga? Sinasagot mo na ako?" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Timothy.
Tumango ako bilang sagot. Ngumiti ng malawak si Timothy at niyakap ako. Nagulat ako nang inikot-ikot ako.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Ficção AdolescenteMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...