Chapter 38Regret
Steve's POV
Tumakbo na ako papuntang kwarto namin. Hindi ko maalis ang ngiti ko. Ang saya ko! Sobra! At last, nalaman ko na mahal ako ni Shayne. Succesful ang pustahan namin ni Max!
Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Max na mahimbing na natutulog. Humihilik pa!
Pumunta agad ako sa kanya at niyugyog siya. "Max! Max gising!"
"Hmmm. Ano ba?"ungol niya.
"May good news ako sayo! Bumangon ka muna bilis!"
Hindi pa rin siya bumabangon. Hinampas ko na siya ng unan. "Natutulog ako Steve."tinakpan niya ang ulo ng unan. Inalis ko ito.
"Makinig ka muna kasi sakin."
"Oo na! Oo na! Ang kulit mo. Ano ba kasi yan? Istorbo ka eh."sabi niya habang kinukusot ang mata.
Umayos ako ng upo. Hindi pa din naaalis ang ngiti ko. Napakunot-noo si Max.
"Bakit ka nakangiti? Mukhang masaya ka ah. Siguraduhin mong good news yan."
"Talagang masaya ako kasi nagawa ko! Nagawa ko yung dare natin!"masaya kong sabi.
"Talaga? Edi wow."bumalik siya sa pagkakahiga.
Napanganga ako. Seryoso? Yun lang ang reaksyon niya? Hindi ba dapat magsaya din siya?
"Ba't yan ang reaksyon mo? Magsaya tayo!"
"Hindi ko na kailangang sumaya Steve. Alam ko naman kasi na magagawa mo ang dare."narinig kong sabi niya.
Napangiti ako. "Ako pa! Si Steve Alex Gonzales 'to!"
Shayne's POV
Nasa kwarto na ako ngayon. Nakaupo sa kama. Nakalagay ang mga braso ko sa tuhod.
Nag-iisa.
Umiiyak.
Nasasaktan.
Hindi pa rin ako nauubusan ng luha. Shit kasi! It hurts like hell! Pinaglaruan niya lang pala ako. Pinaglaruan niya ang nararamdaman ko sa kanya.
Sana pala nilayuan ko na siya.
Nakalimutan kong isa siyang playboy. Akala ko kinaibigan niya ako kasi bukal sa puso niya yun. Lahat ng ginawa niya sakin ay pagpapanggap.
Bakit kasi ang tanga ko?
Bakit pa kasi nahulog ako sa kanya?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ko tiningnan kung sino yun. May narinig akong kumakanta.
"You're voice was the soundtrack!-- oh Shayne. Andito ka pala. Akala ko kasama mo si Steve."
Narinig ko na naman ang pangalan niya. Ang lalakeng pinaglaruan ko. Tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.
"Kamusta ang date-- teka."lumapit siya sakin. "Umiiyak ka ba?"
Umiling ako. Pinigilan ko ang pag-iyak pero trinaydor ako ng mga mata ko. Napahagulhol ako.
Napaupo siya sa tabi ko."Bakit ka umiiyak?"nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos ang likod ko.
"W-wala 'to. Wala 'to."pinunasan ko ang mata ko.
"Anong wala? Umiiyak kang walang dahilan? Ano ka, baliw?"
Kahit nagbiro siya hindi ko magawang tumawa. Hindi ako baliw. Tanga na siguro ako. Sobrang tanga na nahulog ako sa isang playboy.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...