Chapter 64
Celebrate
Xandra's POV
I felt like my heart was shattered in million pieces. Durog na durog. Dahil sa pagkadurog, pakiramdam ko wala nang paraan para mabuo ito.
It's hurts so much! Really! Bakit ko pa kailangang masaksikan iyon? Bakit pa ako pumunta sa lugar na iyon? Bakit ako pa ang nakakita?
Kung hindi ba ako pumunta sa lugar na iyon, makikita ko ba sila? Masasaktan ba ako ng ganito?
Umaagos ang mga luha ko habang tumatakbo paalis sa lugar na ito. Nakayuko ako para hindi nila makita na umiiyak ako. May mga nakakabunggo ako at hindi ako makasabi ng sorry.
"Shayne!"
Napatigil ako sa pagtatakbo nang may humawak sa braso ko. Hinarap niya ako sa kanya. Kahit nakayuko ako at nanlalabo ang aking mga mata dahil sa mga luha, alam kong siya ito. I know his manly scent.
"Kanina pa kita hinahanap. Where are you go-"
He stopped from talking when he cupped my face. Bahagyang napaangat ang mukha ko. Pero kahit ganoon ay pinanatili ko ang tingin sa baba.
"Wait, are you crying? What-"
Hindi ko na siya pinatapos nang umiling ako at inalis ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Tumakbo na ako at iniwan siya. I left him without answering his question.
Lumabas na ako ng library. Napapatingin sa akin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Some are wondering why am I crying. May narinig pa ako na baka raw nag-away kami ni Timothy. Wala na akong pakialam sa kanilang iispin. Wala rin akong pakialam kung makita man nila akong umiiyak.
Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Pumunta ako sa dulo at naupo sa isang sulok. I covered my face using my hands. Walang tigil pa rin ang pagtulo ang mga luha ko.
It hurts like hell! The way he kiss Charlize, it's like he is inlove with her. Ano bang meron sa kanila? Sila na ba? Kailan? Ang bilis naman!
Akala ko walang pakialam si Steve kay Charlize. Akala ko hindi pag-iinterisahan ni Steve si Charlize. But what happened? Nakita ko na lang sila na magkasama at nakita ko pang naghahalikan?
I thought he loves me. Pero anong nangyari sa kanya? He changed! Hindi ko inaasahan na magkakaganyan siya.
Pero dapat din akong magdusa. Kung sila na nga ay dapat kong sanayin ang sarili na makita silang magkasama. Iniisip ko pa lang na sweet sila sa isa't-isa ay torture na sa akin!
Pero kahit ganoon ay patuloy pa rin ang paghihiganti ko. Patuloy ko pa rin siyang sasaktan.
Sa pag-iyak ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako dahil sa sakit ng aking leeg. Andito pa rin ako sa rooftop. Pansin ko na parang nakasandal ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Napatingin ako dito.
Nakasandal ang kanyang ulo sa pader at mahimbing na natutulog. Napagtanto kong nakasandal ako sa kanyang balikat.
Inalis ko ang pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang balikat. Inayos ko ang pagkakaupo. Hinawakan ko ang leeg ko at minasahe ito.
Umihip ang hangin. Napatingin ako sa kalangitan at napansin ko ang sinag ng araw. Hindi na masyadong mainit. Hapon na ba? What time is it?
I heard his moan kaya napatingin ako sa kanya. Dumilat ang kanyang mga mata at umayos ng pagkakaupo.
"You're awake..." he said while scratching his nape.
I smiled a bit and nodded. Humarap siya sakin at namumungay ang kanyang mata.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Novela JuvenilMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...