Chapter 15Deadma
Jamie's POV
Yehay!! Andito ulit ako! Thank you miss author! (A/N: You're welcome! ^__^) Ang bait mo talaga! (A/N: Ay sus. Maliit na bagay XD) Oo na miss author -__-
Nung natamaan si Shayne ng bola nung nagvolleyball kami sobra akong nag-alala. Naunahan pa nga ako ni Steve ehh. Baka tatay ata nun si The Flash. At eto pa ang malala, hindi man lang nag-sorry si Charlize sa pagkakatama ng spike niya kay Shayne! Nako! Namumuro na siya sakin. At ang narinig ko pang sinabi niya, mabuti nga yan sa kanya. O diba? Sino ba naman ang hindi maiinis dun sa babaeng yun? Nakakasira talaga siya ng araw.
Nakabalik na sina Steve at Shayne galing sa clinic. Lumapit agad ako sa kanya. "Ano, Shayne? Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Oo. Ayos na ako. Nag-apply na ako ng cold compress."sabi niya.
"Mabuti naman. Kainis yung Charlize na yun. Natamaan ka na nga ng bola, hindi pa siya na-sorry." Kainis talagang babaeng yun.
"Hayaan mo na siya Jamie. Aksidente naman ang nangyari ehh."
"Eh yun na nga ehh. Kahit aksidente pa yun, dapat magsorry pa rin siya."
"Hayaan mo na." Haaay nako. Bakit ba kasi ang bait-bait ni Shayne? Eh kung ako yun, siguro nasugod ko na yun. Dapat talagang magsorry yang babaeng yun. "Ay oo nga pala. Sino ang nanalo sa game kanina?"tanong niya.
"Nanalo tayo. 23-25. Mabuti nga yun eh, tayo ang nanalo. Kung nakita mo lang sana yung reaksyon ni Charlize, matatawa ka. Sobrang di makapaniwala." Nung natalo sila, walk out agad si Charlize. Haha! Yan kasi.
"Mabuti naman."ngumiti siya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay dumating na ang teacher namin. Eto puro lessons lang. Pagkatapos ng subject na yun, may 1 hour vacant kami.
"Jamie punta tayong library."pag-aalok ni Shayne.
"O sige. Sakto may hihiramin akong libro sa science, math at history. May quiz kasi kami bukas. Ang boring pa naman ng history. Sa science at history may assignment kami. At nako. Ang dami pala ng gagawin ko.
"Tara." Pumunta na kaming libary. Sakto naman na walang masyadong tao.
"Jamie, punta muna ako sa science fiction area."
"Sige. Punta ka na lang sa table kung tapos ka nang maghanap."naghiwalay na kami ni Shayne. Nagsimula na akong maghanap ng libro.
Pumunta ako sa section ng Math. Kumuha ako ng dalawang libro. Pumunta naman ako sa science area. Medyo mataas ang kinalalagyan ng libro kaya binaba ko muna ang dalawang libro. Kinuha ko na ito. Sumunod naman ako sa history area. Hinahanap ko yung tungkol sa mga iba't-ibang kultura sa Asya. Kinuha ko yung libro na medyo makapal. Kumuha pa ako ng isang libro. Hindi ko na namalayan na mabigat na pala ang dala ko.
"Ano ba yan. Ang bigat."sabi ko sa sarili ko. Aalis na sana ako para pumunta kay Shayne pero may nakabunggo ako.
"Ay!" Sabi ko. Nahulog ang mga librong dala ko. Habang pinupulot ko ang mga libro napatingin ako sa harap ko. Nagulat ako ng si Bryan ang nasa harap ko. Siya ang nakabunggo ko? Oh my. Pinupulot din niya ang mga libro. Nung isa na lang ang natitirang libro sabay naming nahawakan ang libro. Napatingin siya sakin. Bigla namang kumabog ang puso ko.
*Dugdug*
*Dugdug*
Napatitig na lang kami sa isa't-isa. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hoy puso! Tumigil ka na!
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Roman pour AdolescentsMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...