Chapter 52

3.8K 71 18
                                    

Chapter 52

Cousin

Xandra's POV

Umakyat na siya sa stage pagkatapos ng kantang iyon. Nagrequest pa ang mga babae na isa pa daw kanta. Hindi na umangal sina Steve at kumanta pa ng isang beses. Ligaya ng Eraserheads ang kinanta nila.

Pagkatapos ng intermission nila ay bumalik ulit ay electronic music. Nagsayawan ulit ang mga tao sa gymnasium. Bumalik ako sa inuupuan ko. Nakangiting lumapit sakin ang mga kaklase ko kasama si Jamie.

"Nakakainggit ka Xandra! Kinantahan ka ni Steve sa harap ng maraming tao!"nakangiting sabi ni Alice.

"Sobrang kilig na kilig kami dun Xandra kung alam mo lang! Lalo na nung hinawakan niya ang kamay mo, halos magkasakitan na kami."aniya sabay niyugyog ang braso ko. Natawa ako sa ekspresyon ni Jamie.

"Ang ganda talaga ng boses niya. Sinong hindi maiinlove sa kanya? Whole package na ang manliligaw mo! Teka, ano ba kasing nangyari? Bakit siya nagsorry sayo?"curious na tanong ni Ella.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari. Hindi pa ako tapos magsalita ay tumili na sila. Hinampas nila ako sa kilig. Hindi ko maiwasang matawa sa mukha nila.

"Ayun naman pala. The loverboy got jealous."sabi ni Amy.

"Uwian na tayo guys. May nanalo na." Natatawang sabi ni Faye.

"Ang haba ng buhok mo Xandra! Oh! Speaking of manliligaw, paparating na siya dito."kinikilig na sabi ni Zoe.

Lumingon kami sa tinitingnan niya. Naglalakad si Steve papunta samin na nakangiti. Halos tumili na ang mga kaklase ko dahil sa kanya. Kasama niya rin sina Bryan, Jhaye, Max at Timothy.

"Eto na si prince charming."pang-aasar ni Jess.

Prince charming my ass. Meron bang prince charming na sinaktan ka? Ginago ka? Pinaglaruan ka? Pinaikot-ikot sa mga matatamis na mga salitang binitawan niya? Meron bang ganun?

Looks can be decieving, ika nga. Sa likod ng kaakit-akit niyang itsura, ay may kakayahang manakit ng damdamin ng ibang tao. Aakitin ka niya, pagkatapos ay kapag nakuha na niya ang gusto niya, iiwan ka na lang bigla. Uwi kang luhaan. Ikaw ang talo.

Ganun ang nangyari sakin. I loved him but he fooled me. He gave me those sweet words that make my heart beat fast. He held my hand like he would'nt let me go. He said I love you like he would'nt hurt me. Ang tanga ko dahil naniwala ako. I forgot that he is a casanova.

Tumabi sakin si Steve. Hindi pa rin kami tinitigilan ng mga kaklase namin sa pang-aasar.

"Tara na guys. Sayaw muna tayo. Magmomoment pa ang dalawa."sabi ni Tin.

Natawa si Steve sa sinabi nila. Pumunta na sila sa gitna para sumayaw. Hindi na nila kasama sina Charlize. Asan sila?

I cleared my thoat habang nakatingin sa mga sumasayaw. Halos magkadikit na ang mga braso namin sa lapit. Ayaw ko talagang malapit siya sakin. Naiinis ako sakanya.

A few minutes later, the music turned into a sweet ones. Napatili ang mga tao sa loob dahil sweet dance na. Gumilid muna sila at nagsimula nang pumunta ang mga magsasayaw sa gitna. Pumunta ang mga kaklase kong sumayaw sa gitna sa amin.

Tumayo si Steve at humarap sakin. "May I have this dance?"aniya sabay lahad ng kamay.

Napahiyaw at napatili ang mga kaklase ko dahil kay Steve. Napatingin ako sa kanila. Inasar nina Jhaye, Bryan at Max si Steve pero binalewala niya ito. Hindi ko matukoy kung anong ekspresyon ni Timothy dahil sa dilim ng paligid.

Napatingin ako sa kamay na nakalahad sakin then kay Steve. May konting ngiti sa labi niya.

Kahit ayaw ko siyang makasayaw ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya at ngumiti. Lalong napahiyaw at tumili ang mga kaklase namin. Tumayo na ako at naglakad na kami papuntang dancefloor.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon